[45] Revelation

1.4K 33 6
                                    

Chapter XLV

Revelation

Pagkatapos ng mga sinabi sakin ni Petals nung School Festival ay nagmuni-muni muna ako. Nagyaya siyang magshopping at nagpasama sakin sa pagbili ng kung anu-anong kaek-ekan sa condo niya. Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong kagaya niya. Kahit ganun siya, isa siya sa mga mapagkakatiwalaan kong kaibigan. Thank you Petals!

Busy naman ngayon ang buong university para sa Valentine's Day. May pakulo daw kasi ang univ taon-taon pagVD. May Valentine's Concert pa daw na nalalaman sabi sakin ni Petals. Ang pinakapunong-abala daw dito lagi ay ang Disqualified. Kakanta sila sa gabi at magpaparty naman ang mga estudyante all-night. Pero wala akong balak na umattend dun.

"Hoy Diyosa! Anong ginagawa mo diyan?!" Bigla naman akong nagulat. Nandito kasi ako sa ilalim ng puno at nagsosoundtrip. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko at kinausap siya.

"Soundtripping? Haha. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Kanina pa kitang hinahanap girl! Attend tayo mamaya ha?" Pangungulit na naman sakin ni Petals.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na HINDI? AYOKO. PERIOD."

"Ay. Bakit naman Ateng? Nabibitter ka lang eh. Uyyyy aminin! Bitter! Bitter! Bitter!" At nagsisigaw siya ng 'Bitter'. Hindi ko siya pinansin at pinasak ko ulit ang earphones sa tenga ko.

Bigla naman niyang tinanggal ang earphones at sinigawan ako. "Ang bitter mo talaga!"

"Hindi ako bitter. Ayoko lang umattend sa mga ganun. Hindi ko feel." I said frankly.

"Weh? Malay mo makahanap ka ng date mo dun mamaya!" Sabay hampas pa sakin na parang kinikilig

"Duh! Hindi ko kailangan ng kadate."

"OWKEY MAMA.....Pero please talaga Diyosa! Tara nang umattend! Bayad mo na 'to sakin! BWAHAHAHAHA!" Akala ko tinantanan na niya ako pero hindi pala. May sapi talaga 'to.

"Bayad???"

"Oo! Ang dami mo na kayang utang sakin! Ako ang laging nandiyan sa tabi mo pag wala siya, ako ang---"

"Walanghiya ka!" Sabay batok sa kanya. "May bayad pala yun ha? HAHAHA!"

"BWAHAHAHA! Joke lang yun Ateng! Dali na please!"

"In one condition!"

"ANO?"

"Bago sumapit ang concert, dapat boses-lalaki ka. OKAY?!"

"WHUUUUT MAMA?! ANG HIRAP NUN! Matagal ko na yung hindi ginagawa!!! Omaygash!!! I CAN'T!"

"YES, YOU CAN, PETER." At napatungo siya. HAHAHA. Ganun ba talagang kahirap yun? =___=

"Okay Yvaughn." At bigla akong nagulat. Sht! HAHAHAHAHAHA!

"Omaygash Peter, is that youuu?!"

"Oo. Bakit?" He said seriously.

"Is it real?! Is it real?!" Tanong ko naman sa kanya.

"Fuck Diyosa! Ang hirap naman girl nang pinapagawa mo eh!" Napakamot siya sa ulo niya

"BWAHAHAHAHAHA! Whatdapak! HAHAHAHAHAHA!" I laughed out loud. "Osige na nga. Naawa naman ako sayo. HAHAHAHA!"

"TALAGA?! YEHEEEEYYY!!!" At nagsisigaw siyang parang bata.

"Paano ba 'yan Ateng? Tara na! Magsisix na!" At bigla niya kong hinaltak papuntang field.

[FIELD]

Nandito kami ngayon sa pinakagitna ng field. Nagrequest kasi ako kay Petals na huwag na dun sa unahan dahil ayokong makita niya akong nanonood sa kanya. Pero kita ko siya. Haha.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon