[22] First Day High

1.7K 38 13
                                    

Chapter XXII

First Day High

Time flies so fast. Last day na ngayon ng bakasyon. Back to normal na ulit bukas ang lahat. Pasukan na. Tsk.

Maraming nangyari after nung outing. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari nun. Sino ba naman ang hindi makakalimot? Kinabukasan nung 'videoke day', tatanungin ko na sana kay Gelo kung totoo yung mga sinabi niya sakin kaso inunahan niya ako. Hindi daw totoo yun. Ang sakit diba? Para akong tanga nung araw na 'yun. Hayae na, nakaexperience naman akong kiligin eh. Pero, ang sakit. Pakiramdam ko, umasa ako ng todo-todo. Yung feeling na parang pinagmukha niya akong tanga? Ewan ko ba. Ako lang naman yung umaasa eh, so ako yung tanga. Hahaha. Baliw lang.

Isa pang nangyari ay ang pagtatransfer ko ng school. Siyempre, hindi ako pumayag na dun na lang ako forever sa school kong 'yun. Since elem tas hanggang college pa? Baka naman maumay na ako niyan. Kaya pinilit ko sila Mama na magpalipat sa isang sikat na unibersidad dito sa Pilipinas. Tutal Salu naman ako, may scholarship agad akong nakuha. Uwian ako tutal naman malapit lang naman 'to samin.

Si Reca naman, lumipat din ng school. IE ang course niya. After ng outing ay nagkanya-kanya kami nang pag-aayos ng mga papeles para sa college.

Nandito kami ngayon ni Gelo sa condo niya sa Taguig. Since sa Maynila na nga siya papasok, kailangan na niyang maghanda para sa college life niya. Nagpasama siya sakin ngayon. Ngayon kasi ang 'lipat-bahay' niya. Hindi ko na lang icinonsider yung ginawa niya sakin after ng videoke, iniisip ko na lang ngayon ay ang pagiging bestfriend niya sa huling sandali man lamang namin. Parang mamamatay lang. Haha.

"Sure ka? Kaya mo?" Tanong ko sa kanya. Ewan ko pero para akong baliw na paulit-ulit kong tinatanong sa kanya kung kaya ba niya o hindi. Remember Yvaughn, ito ang makakabuti sa kanya.

"Oo naman bestfriend. Wala ka bang tiwala sakin? Bisitahin mo ko dito ha pag nagkatime ka."

"Sus. Baka nga hindi mo na ako pagbuksan ng pintuan eh. Walang makakalimot ha? Uupakan kita!" Pagbabanta ko sa kanya. Hay. Mamimiss ko talaga ng sobra si Gelo bilang bestfriend ko. Wala na akong kasabay sa pagpasok, pagkain, pag-uwi, paggawa ng assignments, lahat na. Hay.

"Oo naman. Baka ikaw nga ang makalimot diyan eh!"

"Hindi noh! Never." Biglang nagbukas yung pintuan at sumalubong samin si Tita Regine, nanay ni Gelo.

"Hello Iha! Hi anak!" Beso-beso ang peg.

"Hello po Tita."

"Ano ba 'yan Gelo! Nagpasama ka pa kay Yvaughn! Hindi ka na nahiya! Babae pa ang isinama mo! Haynako talaga naman!" Magbestfriend talaga sila ni Mama. HAHAHA. "Nga pala, may surprise ako sayo."

"Ano yun, Mom?"

"Gelooooo!" At biglang may pumasok na magandang babaeng parang model- maganda, matangkad, mestisa, lahat na! Pero mas maganda siya kay KC. Niyapos niya si Gelo ng sobrang higpit.

"MJ! I missed you!" Sabi naman ni Gelo. Wow. MJ. Nice name.

Ano ba 'yan Gelo. May syota ka na pala, hindi mo man lang sinabi sakin. E di sana umpisa pa lang, hindi na ako umasa. Tsk.

"Nga pala! MJ, this is Yvaughn. Yvaughn, this is MJ, my---"

"Long lost girlfriend." And she smiled

This. <///3

"I'm just kidding! HAHAHA. We're cousins! Nice to meet you!" She hugged me. Nagulat naman ako. May pagsaluka din pala 'tong pinsan ni Gelo. I hugged her back. "So, ikaw pala yung Yvaughn na sinasabi ng pinsan ko." Huh?

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon