[31] Normal

1.2K 34 5
                                    

Chapter XXXI

Normal

That kiss on my forehead.. I won't forget it. That's the sweetest thing, for me.

*BOOOOOGSH*

Aray ko po. Ang sakit ng balakang ko. E paano ba naman kasi, kanina pa akong gumulong ng gumulong dito sa kama ko. Hindi ko lang naman makakalimutan yung ginawa sakin ni Enzo.

He kissed me on my forehead. Shiz.

After that scenario, ang himbing ng tulog ko. I don't know why. That feeling made me shiver. Tapos kanina, gumising ako. Pagkaligo ko ay nagpagulong-gulong nako. Feeling ko, may mga dragong nakawala sa tiyan ko. Kanina pa silang nagrarambulan dito. Kapag naman naiimagine ko yung nangyari kagabi, daig ko pang halos mangisay sa kilig.

Teka! Anong sinabi mo Yvaughn? Kilig?!

No freaking way, my dear. Ang legacy natin!

I forgot the legacy! Bawal mainlove. Bawal. Ayoko. Ayokong mafall. NEVER!

For pete's sake, it's for your "own" good. No heartaches. No worries. In short, FREEDOM.

"Hey! Let's go?" Isang gwapong lalaki ang tumambad sa pintuan ng kwarto ko, ang bestfriend 'kong si Gelo.

"Tara lets!" At tumalon ako sa aking kama. Bumaba na kaming dalawa. Nagpaalam ako kay Mama. Alam naman niyang final grade distribution namin ngayon kaya pinayagan niya akong lumabas.

"Ingatan mo Gelo si Yvaughn ha? Sige. Ingat kayo." Gelo nodded. After nun, tuluyan na kaming umalis.

May nagtext. (Vice Ganda lang ang peg?)

From Enzo:

Nandito na ako. Nasaan ka na?! Mag-ingat ka ha! Baka magahasa mo pa yung mga tambay diyan. :P

To Enzo:

Kapal muks talaga. Otw pa lang. Intayin mo 'ko sa lobby. Sabay na tayo. Huntingin mo na rin si Petals para magkakasabay na tayo. :)

From Enzo:

No need. She's here. He's here, rather. Kaya nga bilisan mo't baka makapatay ako ng tao. HAHA. Kidding.

"Sino ba 'yang katext mo at kanina ka pang tumawa ng tumawa?" Kinuha ni Gelo ang cellphone ko. "Ah. Siya pala." At di na ako pinansin.

"Bakit? May problema ka ba kay Enzo?" Diretsa kong tanong sa kanya.

"Wa-Wala naman." Napakamot siya sa ulo niya.

After thirty minutes ay nandito na kami sa university namin.

"Sasama ka pa ba papaloob?"

"I'll just stay here."

"Okay. Meet me at the coffeeshop. Hayun." Tinuro ko yung coffeeshop na malapit sa univ namin. "I'll text you later. Kung gusto mo, maggala gala ka muna dito or sa labas. Sige, una na 'ko. Goodbye. Thanks!" Pagkatapos nun ay pumasok na ako sa lobby. Ewan ko pero may excited feeling akong nararamdaman.

"Diyosa!" Nagtatakbo si Petals para yapusin ako. "I miss you!"

"Sus. Ilang araw lang tayong di nagkikita eh!" I replied.

"Hoy Pedro! Makayapos ka naman akala mo makakawala si Yvaughn? BITAW." At bumitaw naman si Petals. "Sorry Fafa." I chuckled.

"Let's go?"

We went to the office. Pagkakuha namin sa grades namin ay nagsama-sama muna kami sa isang sulok at hindi ito tiningnan. Kapag ready na kami, saka namin titingnan ang grades namin.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon