Prologue

3.7K 90 1
                                    

Prologue

From now on...

'Ako, si Yvaughn Carreon, ay hindi na muling magmamahal. Isasarado na niya ang puso niya sa lahat. Hindi pwedeng mainlove. Kasi kapag nainlove ka, shunga ka. Paiiyakin ka lang ng paiiyakin niyan. Walang magandang maidudulot sa buhay. Tingnan mo nga Yvaughn yung ginawa sayo ng bestfriend mong si Gelo, sinaktan ka lang. Tandaan mo Yvaughn. Heto ang bago mong legacy sa buhay na kailangan mo pang ipamana.'

Nagising na lang ako na ganun bigla yung lumabas sa utak ko. Natauhan siguro ako kagabi.

Oras na ngayon para seryosohin ang pinangako ko sa sarili ko. Oras na para sundin ang legasiya. Bawal ang mainlove.

Kaso nga lang, bigla namang may dadating sa buhay ko na babaguhin ang mundo ko. Ititreat niya akong parang isang prinsesa- ang bagay na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. 

Ang problema, sa pagdating niya ay nakasarado na ang puso ko.

Pero, posible kayang mahulog ako sa kanya? 

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon