[9] Beginning

1.9K 46 3
                                    

Chapter IX
Beginning


Sa totoo lang...



Ngayon pa lamang tayo mag-uumpisa.

*****

Natapos ang walong kabanata na hindi niyo pa ako nakikilala nang ganung lubusan. Malamang alam niyo na ang pangalan ko, pero yung ibang about sakin, hindi pa.

My name is Yvaughn Carreon. 17 years of age. May apat na mata ako. Meron akong long hair. Pati braces. Para ngang Betty La Fea na ang peg ko. Haha. 5'3 ang height ko. Sexy? Oo. HAHAHA. Kidding. Masungit ako. Pero nangingibabaw sakin ang pagiging jolly all the time. Mahilig akong magbake. Mahilig din ako kay Taylor Swift. Idol ko yun eh. Favorite color ko: Blue, Pink and Violet.


May bestfriends ako. Sila Reca at Gelo. At sila ang mga kasama ko ngayon. Si Reca ay classmate ko simula high school. Matangkad siya, long hair din at may braces din. Para kaming kambal, pero ang wala sa kanya na meron ako ay ang eyeglasses ko. Mas matangkad nga lang yan sakin. Dancer 'yan sa school.



Si Gelo naman ay since elem pa lang kami magkakilala kaya sobra kaming magkaclose niyan. Yung tipong parang magkasanggang dikit sa lahat. Mas matangkad siya sakin. Maputi at gwapo? HAHA. Oo na. Gwapo na. Mabait pati. Halos lahat ng tipo ko sa lalaki, nasa kanya na. Kaso nga lang, hanggang 'bestfriends' lang DAW talaga kami.


Sila Mama at Kuya lang ang kasama ko. Sila lang ang PAMILYA ko. WALA NANG IBA.


Maiba ang usapan, nandito kami ngayon sa MissCandyholic's Coffee Shop. Kasalukuyang nagtatrabaho para sa aming summer job. Masaya magtrabaho ngunit mahirap. Akala namin nung una nila Reca madali lang, pero nagkakamali pala kami. Si Reca ay cashier. Si Gelo naman ay waiter. At ako ay... Guess what? Hindi ako waitress, di rin ako cashier at mas lalong hindi naman ako tagapunas ng lamesa PERO, isa lang naman ako sa mga barista at tagabake ng cake! Odiba? Talbog kayo sakin. HAHAHA.

Monday. Wednesday. Friday. Yan ang mga araw ng aming pagtatrabaho. 6PM-3AM ang oras namin. Mas pinili namin yung night shift kasi feeling namin mageenjoy kami. 24 hours kasi itong coffee shop e. Ang kewl noh? At saka doble kita daw pag night shift. 1 week na lang at sesweldo na kami. Magwa-one month na kami dito. Ambilis ng panahon noh? Ang saya!


"Yvaughn, frappuccino daw! Huy Yvaughn?!"

"Ay sorry! ^^" Galit na ang kahera sakin. Paano kasi, kanina pa akong nakatunganga dito. Sorry Reca.

"Break!" Sabi ng supervisor namin.


11PM na. Oras na para magunwind kami ng 30 mins.

"Okay ka lang ba friend?" Pag-aalala sakin ni Reca


"Oo naman. Nagdadaydream lang ako."


"Uy Yvaughn! Balita ko uuwi na ang kuya mo?"

"Oo nga e. Excited nako Gelo, alam mo yun? Hahaha." At napatingin ako sa pinapatamaan kong si Reca.

"Tinext nga ako kagabi e. Magoouting daw tayo."


"Talaga?"


"Oo. Next week daw. Tas 1 week daw tayo dun. Ang saya noh?"


"Next week na? Kasama ba ako diyan?" Singit ni Reca. Alam kong di na siya makatiis.

"Oo naman! Iwanan ka pa kaya ni Kuya!" Loko ko naman sa kanya.



May kuya nga pala ako. Si Kuya Troy. 19 years old na siya ngayon. Mas matanda sakin ng 2 years. Pumunta siya ng Brazil para magpayaman? (I guess) Pero pumupunta naman siya dito sa PH kung kelan niya matripang umuwi. Loko yun eh.


I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon