[48] Transgress

1.1K 32 14
                                    

Chapter XLVIII

Transgress

Isang linggo na ang nakakalipas. Hanggang ngayon, wala pading nakakaalam samin kung kailan siya uuwi. Tinangka kong itext o tawagan siya pero anong silbi nun kung nasa Brazil naman siya. Tiningnan ko din ang Facebook niya. Wala na. Nakadeactivate na yung account niya. Hindi niya na rin nagagalaw ang Twitter niya. Miski ang IG, wala din. Ang last picture na nakalagay dun ay yung picture naming dalawa nung nasa Swan Lake kami. Hay. Nag-uumpisa na naman akong magreminisce.

Nandito ako ngayon sa EK. Nagmumuni-muni. Dinala ko ang Jaguar ko. First time ko lang 'to ginamit na mismong ako ang nagdrive. Mag-isa lang akong pumunta dito at hindi tumawag ng back-up. Mas masaya na rin yung ganito, makakapag-isip ako nang mabuti. Hindi rin ako pumunta dito para sumakay sa mga rides. Nagpunta ako dito para hanapin ang nawawalang puzzle piece sa katauhan ko. Naniniwala akong dito ko lang yun mahahanap.

Umupo ako sa isang bench at nagpahinga. Kanina pa kasi akong naglalakad. Naisip ko na, bakit nga ba ako malulungkot at magmumukmok sa isang tabi? Bakit ko ba kailangang ipagkandasubsob ang sarili ko sa pag-iisip? Bakit ganun? Pakiramdam ko, hindi lahat ng tama, tama. Parang labag pa din sa loob mo. Alam kong hindi ko rin maiiwasan ang hindi pag-iisip sa kanya pero alam kong maaapektuhan nito ang pagkatao ko. Hindi lang physical ngunit lalo na ang emotional. Hindi makakatulong sakin kung magrerebelde ako. Tumayo ako at naglakad-lakad.

7PM. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito. Nandito ako ngayon sa pila ng Swan Lake. Sumakay ako na ako lang mag-isa.

Sa di-inaasahang pagkakataon ay biglang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Mag-isa akong nagpepedal. Naalala ko na naman yung mga nangyari sakin dito kasama siya.

[Flashback]

At nag-umpisa nang magputukan at magpasiklaban ang mga fireworks sa kalawakan. Woooooow! Ang gandaaaa! Kinuha ko ang monopad ko at pinicturan ito.

"Enzo!" Bigla siyang lumingon at *click!*

"HOY! Bawal 'yan!" Pagpoprotesta niya sakin.

"According sa batas, walang nagsasabi na bawal 'tong ginagawa ko. Bleh!"

"Kulit mo!" Sabi naman niya sakin.

"Hoy! Picture naman tayo!" Yaya ko sa kanya. Monopad ang ginamit namin para kita yung background. "Yvaughn...."

Pagkalingon ko ay nagulat ako sa ginawa niya.

He kissed me on my forehead under the roaring fireworks.

"I love you, Yvaughn."

[End of Flashback]

Napahagulgol na naman ako. Shit. Bakit ba lagi na lang akong naiiyak! Napakahina ko naman. Bakit nga ba ako ganitong kaapektado sa pagkawala niya?

I hate to say this but, you already transgress your 'so-called' legacy.

What?!

Yes. Ang bulag at manhid mo. Galit na galit ka kay Gelo pero ganun ka din naman. Tsk.

I can't believe it. Pinagsasabihan ako ng inner self ko.

Well I guess, it's time for me to say goodbye. You don't need me na. Kaya mo na ang sarili mo. Bye.

Iniwan na niya ako, tapos pati si inner self, mang-iiwan din? Tama nga siguro siya, kaya ko na ang sarili ko. Alam ko na ang pagkakaiba ng mali sa tama. Alam ko na, kaya ko 'to mag-isa.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon