[2] Jealous

2.6K 70 4
                                    

Chapter II

Jealous

10 missed calls. 5 text messages.

Lahat ng 'yan galing kay BF. Ooops. Scratch that. Galing kay Gelo, rather. After kong magwalk-out, di na ako nagtangkang magpaalam pa sa kanya. After all, hindi ko rin naman ineexpect na manggagaling yun kay KC mismo. Akala ko, mabait siya. Akala ko, perpekto. Akala ko, anghel. Yun pala, hindi. Marami talagang namamatay sa maling akala. Siguro, isa na ako sa mga 'yon kung nagkataon.

Isang taon na siyang nililigawan ni Gelo. Ewan ko ba kung bakit patay na patay ang BF ko diyan. Ooops. Gelo, rather. Siguro nga dahil dun sa mga sinabi ko. Nahumaling siguro si Gelo sa kanya. Last year kase, binasted siya. Nabroken-hearted naman ang bestfriend ko. Naawa naman ako sa kanya. Siyempre, sino pa ba ang mag-aalaga sa kanya? Nasa States ang Mom at Dad niya. Magkalapit kami ng bahay. Minsan nga, nakikitulog siya samin. Pumapayag naman si Ma since best of friends sila ng mga magulang ni Gelo. Kaso, ineexpect nilang magiging kami ni Gelo sa huli which is, malabo nang mangyari.

*♫♫♪♪♫ Losing him was blue like I'd never known, missing him was dark grey all alone, forgetting him was like tryin' to know somebody you've never met... Lovin' him was red... ♫♫♪♪♫ *

Rise and shine folks! Ang ganda talaga ng umaga ko pag boses ni Taylor Swift ang naririnig ko paggising. Tama nga si Taylor. Lovin' him was red. Tsk.

On the way nako ngayon sa school. Nakakapanibago. Hindi ko na kasi inintay pang kaunin ako ni Gelo. Naalala ko lang yung sinabi ni KC kagabi. Haist.

"YVAUGHN!" Bigla akong napalingon sa likod ko.

"Ano ba Yvaughn?! Inintay kita sa labas ng bahay niyo kanina! Tapos nandito ka na pala! Hindi mo ako sinabihan na uuna ka na pala! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala sayo!" Dire-diretso ang pagsasalita niya na para bang armalite

"Ssshh! Relax dude. Wala ka ng responsibility sakin. May KC ka na." Ewan ko ba kung tama ang pinagsasabi ko.

"WHAT?! Hindi porket' may girlfriend na ko, hindi na kita bestfriend! I am responsible for you!" Kitang-kita ko sa mata niya na galit na galit siya

Speechless. Di ako nakaimik.

"Babe!" Kinig kong sigaw ni KC na halos nakakamatay ang tingin sakin

"Heto ang tandaan mo Yvaughn. Ang GIRLFRIEND, NAPAPALITAN. Pero ang BESTFRIEND, HINDI." Sabay walk-out at punta kay KC

Nagulat ako dun sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Ugh. Nevermind. Bahala sila!

Nandito kami ngayon ng friend kong si Reca sa school garden. Sinabi ko sa kanya yung nangyari. Bukod kasi kay Gelo, si Reca ang pinagkakatiwalaan ko sa mga ganitong bagay.

"WHAT?! Sinabi niya yun sayo?! Ang kapal naman ng pagmumukha ng KCng 'yun!!"

"Hoy friend! Magmura, wagas?! Bayaan mo na siya. At least, masaya na si Gelo kasama ang PINAKAmamahal niya." Sinadya kong iemphasize ang PINAKA.

"Tsk. Bahala na si Gelo sa buhay niya. Buhay niya yun e. Pero alam kong maninibago din yung bang-aw na yun!"

"Siyempre naman. Alam kong hahanap-hanapin niya ako noh! Tingnan lang natin kung makatagal siya sa babaitang yun."

"Tama friend! Hahabulin ka ni Gelo balang-araw, naaamoy ko yan!"

At sabay kaming naghagikgikan. Well, totoo naman talaga. Alam kong naninibago na yung kumag na yun. Sus, yun pa?! E halos magkatali na nga ang bituka naming dalawa e. Ngayon na nga lang ulit kami nagkahiwalay.

[PE TIME]

Okay. PE na. Hay. Ito yung pinakaayoko sa lahat. Di naman kasi ako sporty. Isa akong dakilang lampa. Ewan ko nga ba kung bakit.

Heto na. Bubunot na si Sir Aguilar ng lalaruin namin ngayon.

Medyo nakakakaba.

Oh please Lord. Badminton or table tennis na lang. *crossed-fingers*

Jenen!

"DODGEBALL!"

Anak ni Poncio Pilato! Bakit sa lahat ng laro, DODGEBALL PA?! Tuwang-tuwa namang mga nagsisigawan ang mga kaklase kong kanina pang atat na atat maglaro. Para namang mukhang sinakluban ng langit at lupa ang mukha naming mga hindi sporty. Hay.

*PRRRRRRRRT!*

Start na ng game. Hinati kami sa dalawang grupo. At dahil malas kami, napasama kami ni Reca sa grupo ng mga lampa. Buhay nga naman. Samantalang sa kabilang group naman nagsama-sama ang mga varsity. Sila na! Nandun din sila Gelo at KC.

Wew. Nakakahingal. Yung feeling na kayo ngayon yung taya at nasa loob na pinagbabato ng bola.

Kami na lang ni Reca ang natitira. Ang sama ng tingin sakin ni KC na para bang may binabalak siyang masama.

At tama nga ang hula ko, tinamaan niya ako ng bola sa ulo dahilan para tumalsik ang salamin ko sa floor. Biglang nagblurred ang paningin ko pero tumayo padin ako.

"Yvaughn! Ayos ka lang ba?!" Tanong sakin ng mga kagroupmates ko.

"O-oo. Yung salamin ko guys." Hawak ko sa ulo ko dahil ang sakit. Bigla akong nahilo. Inalalayan naman ako nila.

"Ms. Carreon! Ayos ka lang?" Tanong sakin ni Sir

"Opo sir."

"Magpahinga ka muna." Aniya

"No sir. Tuloy ang laban." Malakas na loob kong sinabi kahit nahihilo nako

At nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko. Halata kay Gelo na nag-aalala siya pero alam kong di siya makalapit dahil hawak siya sa braso ni KC.

Hindi ako basta-basta na lang magpapatalo. Sorry KC but... 'Revenge is sweeter'. :>

*PRRRRRRRRRT!*

Umpisa pa lang ng second set. Yung kabilang grupo naman ang nasa loob. Kinuha ko agad ang bola. At binato kay KC. Bwahahahahaha! Di mababayaran ang itsura ng pagmumukha niya ngayon! PRICELESS! Kaso, dahil duwag siya, nagtatago siya sa likod ni Gelo dahilan naman para siya ang matamaan ko. I'm sorry, bestfriend.

Pangilang-try ko na ng pagbabato pero laging si Gelo ang natatamaan ko. Baka nga isipin niya na may galit ako sa kanya e.

Maya-maya pa'y kinausap ko si Reca na lumipat siya sa kabilang side dahil sa plano namin. Binigay ko sa kanya ang bola para ihagis sakin at ibabato ko naman agad kay KC. Effective 'to dahil sakin siya nakatingin at 'di niya mapapansin si Reca. Hahaha.

*TING!*

Bravo! Gumana ang plano! HAHAHA! Halos maglupagi na kami dito katatawa. Akalain niyo yun, nanalo kami! Mga tuwang-tuwa kami dito at di mabayaran ang kaligayahan namin. Ang sama ng tingin sakin ni KC...pati na rin si Gelo.

The hell I care. Magsama silang dalawa!

"Yvaughn!" Sigaw sakin ni Gelo. Agad naman akong lumingon.

"Yeah?"

"MagSORRY ka kay KC." THE HECK! Ako pa ngayon ang magsosorry?! Samantalang sa kabila ng pagkahilo ko, nagsorry ba siya?! Kitang-kita ko naman sa mga mata ni KC ang ngiting tagumpay.

"Sorry, pero hindi."

"The nerve! Nagseselos ka lang samin ni Gelo!" sigaw ni KC

"Enough! Magsorry ka na lang, Yvaughn!" Pamimilit ni Gelo

"At bakit naman ako magsosorry?! Bakit, nung tinamaan niya ba ako ng bola kanina, nagSORRY BA SIYA?! At FYI, HINDI PO AKO NAGSESELOS. Magsama kayo ng bestfriend ko!"

Naiwan ko sila 'dung lahat na nakanganga.

'Am I jealous nga ba?'

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon