[27] Signs

1.4K 29 7
                                    

Chapter XXVII

Signs

Gelo's POV

Fifteen minutes na kaming naghihintay ni Reca dito sa veranda. 4:30 ako dumating dito. Nagkwentuhan muna kami ni Reca habang hinihintay siya. Sa lahat ng lakad namin, ngayon lang siya nalate ng ganito. Lagi kasi siyang early bird o kaya pumapangalawa. Ewan ko kung bakit siya nahuli ngayon.

Biglang may nagbukas ng pinto ng veranda.

"Ang saya, huh?!" Pambungad ni Reca sa bagong dating.

"Hello bestfriendssss!" Masaya niyang bati samin.

Nagbeso-beso silang dalawa ni Reca at napatingin siya sakin.

"Gelo?" Bigla akong natauhan.

"Yvaughn?"

"I MISS YOUUUUUU!" Sabay yapos niya sakin nang mahigpit. Darn! I missed my bestfriend!

"So ganon? Pag si Gelo todo-todo? Pag ako hindi?" Singit ni Reca

"Nakita na naman kita nung isang araw eh!" Pagpoprotesta naman ni Yvaughn

"Oh umupo na muna tayo." Pag-aalok ko sa kanila

"Bakit ka ba nalate?!" Sigaw ni Reca kay Yvaughn

Napatingin naman ako sa kanya.

"Wala kasing jeep kanina sa jeepney stop." Dahilan naman niya

"Eh bakit sabi mo: 'I'm here na'?"

"Eh kasi, nagpahinga muna kami ni.....Enzo." Bigla akong napaayos ng upo.

"NINO? NI ENZO?! PAANONG----?"

"Kasi sinamahan niya ako paglalakad kanina, tapos nagpahinga kami dito. Nilibre ko muna siya. Pwede na ba?"

"Uh. Okay. Mukhang napapalapit na kayo ni Enzo ah?"

"Kablockmate ko kasi."

Nung narinig ko ang mga salitang 'yun, biglang kumuyom ang panga ko. Nakaramdam ako nang pagkaselos. Selos dahil mukhang may umaagaw sa posisyon ko kay Yvaughn ngayon.

"Oh Gelo, kamusta?" Bigla akong bumalik sa aking wisyo nang tinanong ako ni Yvaughn

"Okay naman." Tipid kong sagot

"Tell us about your new crush." Sabi naman sakin ni Reca

Actually, nadala siguro ako ng infatuation ko. Ang ganda niya kasi. Pero alam kong may kulang pa din. Alam kong hindi pa siya yun.

"Nakasabay ko siya sa jeep. Parehas na kaming malalate nun, tapos sabay kaming tumakbo, akala niya, sinusundan ko siya, pero 'yun pala, parehas kami ng pupuntahang classroom. Tapos hayun. Nagkakilala na kami. Magkaklase pala kami."

"Tapos? Crush mo na agad?" Tanong ni Reca

"Oo. Maganda siya. Mabait. Parehas kami ng mga gusto."

"Tsk. Ambabaw naman ng dahilan." Bulong ni Reca pero kinig ko naman.

"Hindi ah! Mabait siya. Magaling pang sumayaw." Dagdag ko naman

"Dapat si Yvaughn na lang. Package pa." Bulong ulit ni Reca pero bigla siyang siniko ni Yvaughn.

"Ano yun Reca?" Paninigurado ko

"Wala!"

"Ahh. Oh ikaw naman ang magkwento." Sabi ko sa kanya

*TUUUUUUT! TUUUUUUUT!*

"Hello? Babe? Bakit?" Sagot ni Reca sa cp niya. BABE? Hindi ko talaga magets nung isang araw pa kung anong meron. Tweet siya nang tweet na puro may 'babe'.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon