[32] Plan

1.2K 34 5
                                    

Chapter XXXII

Plan

Gelo's POV

Nandito ako ngayon sa condo namin. Nag-iisip ako nang pwedeng ipang-surpresa sa nalalapit na kaarawan ng aking bestfriend. Ay, di na pala bestfriend, mahal na. Hehe.

Naalala ko tuloy nung mga panahong elementary at HS pa kami. Lagi kaming magkasabay pagpunta ng school, sabay sa pagkain, recess man 'yan o lunch, minsan, seatmates pa, naghihintayan pag uwian, sabay naggagawa ng mga assignments, sabay 'pang bumibili ng ballpen sa tindahan ni Aling Lina at madami pang mga kabaliwang pinaggagawa noon. Nagbago lang ang lahat nang mag-umpisa akong mainlove kay KC. Si KC na akala ko mabait at mamahalin ako ng todo-todo. Nadala ako ng infatuation. Nahumaling ako sa kanya. Pero hindi pala sapat ang infatuation para malaman mong mahal mo ang isang tao. Kumbaga, panukso lang ito. Nang dumating siya sa buhay ko, nagbago na lahat. Madalas na kaming mag-away at magtalo ng bestfriend ko. Nanibago ako. Hindi ako sanay na ganun kami. Masaya ako kapag kasama siya. Hindi ko ba alam kung bakit ako nagpahawak sa leeg kay KC. Dapat pala nung mga panahong 'yon, dinamayan ko ang bestfriend ko. Ako namang si engot, inaway ko pa at nagdesisyon pang mag-iwasan kami. Hindi ko kinaya. Hindi ko natiis. Ang pinakamasakit pa nito ay nang makita ko na ang sarili kong girlfriend ay nakikipaghalikan sa isang lalaki. Pakiramdam ko, hindi niya ako minahal. Nasayang lahat. Nasayang ang paghihintay ko at napunta lang sa wala. Ang tanga ko talaga noon. Nasaktan ako pero hindi ako ganoong naapektuhan. Hindi ko din alam kung bakit. Yun pala, all these days, iba naman pala talaga yung mahal ko at tanga ako para hindi makita na malapit lang pala siya sakin.

Sobra akong natuwa nang bumalik sa dati yung pagsasamahan namin ni Yvaughn. Abot hanggang langit ang ngiti ko. Sinasabihan ko siya lagi noon ng mga sweet messages/lines pero lagi kong sinasabi sa kanya na AS A BESTFRIEND lang iyon at huwag niyang seryosohin. May mali. May maling nangyayari. Kaso, sabi nga nila, na kapag masaya na, may darating namang epal sa 'yong buhay. Noong una, hindi ako galit sa kanya, pero nung nalaman kong pinopormahan niya ang bestfriend ko, nag-umpisang mabagabag ang buong katauhan ko. May mali sa sistema ko. Ang masaklap pa nito ay nagkahiwalay kami ni Yvaughn ngayong college. Nalaman ko din na magkablockmates sila. Heto na naman ang sistema kong parang timang dahil hindi mapakali sa sitwasyon. May mali talagang nangyayari.

Hanggang isang gabi, natuklasan ko na. Natuklasan ko na yung maling nangyayari.

Mahal ko na pala dati pa 'yung bestfriend ko, kaso naging bulag ako sa nararamdaman ko.

ISANG MALAKING KATANGAHAN.

Ipapangako ko ngayon na magiging matapang na ako sa nararamdaman ko. Hindi na ako magpapakatanga, magpapakatorpe, magpapakaulaga o kung ano pa man.

AAMIN NA AKO SAYO, YVAUGHN. Sa mismong kaarawan mo.

Mark my words.

"HOY! Pisan! Ano gang nangyayari sayo?! Natutulog ka tas imik ka nang imik?! Shunga lang?!" Nagising ako sa pagbatok sakin ng pinsan ko.

Nakatulog pala ako.

"Ano naman 'yang sinusulat mo?! Nag-aaksaya ka ng post-it-notes eh! Patingin nga!" Hinablot niya yung isa sa mga naisulat ko. Tsk. Pakelamera talaga.

"Naalala mo ba nung papunta tayo kay Aling Lina? Yung April Fools' Day tas sinabihan mo ako ng gago?" Binabasa niya ng malakas ang nakasulat. Hinablot ko ito. "Ano ba MJ! Ang pakelamera mo!"

"HAHAHAHA! Sinabihan ka ng gago? HAHAHA! Baket?"

"None of your freaking business. Akin na 'yan!" Hinablot ko lahat ng hawak niya.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon