[49] Official

1.2K 34 14
                                    

Chapter XLIX

Official

"Carreon, Yvaughn. Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Cum Laude."

Umakyat ako sa stage. Tinanggap ko ang aking diploma at sabay suot ng medal sakin ng aking Dekano. Nakipagkamay ako dito pati sa School President. Pagkatapos nun ay humarap ako sa mga tao sabay bow. Nakinig ko naman ang mga palakpakan galing sa aking mga supporters. HAHA.

"Congrats Yvaughn! Picture naman diyan oh! ME! ME! ME!" Lumapit sakin lahat ng mga kaklase ko at nagpicturan kami gamit ang aking monopad.

"I will miss you guys!" Naggroup-hug kaming lahat.

Umeskapo ako at pinuntahan lahat ng mga lugar dito sa university namin. Inuna ko ang garden. Ang garden na kung saan madalas ako tumambay. Ang garden na kung saan lagi kaming nagkukwentuhan kapag vacant hours. Ang garden na kung saan madalas akong maglabas nang sama ng loob. Bigla tuloy akong napaiyak! Isa 'to sa mga mamimiss ko. Sunod naman ay ang food palace. Food palace na kung saan lagi kaming nakain at nagkwekwentuhan. Food palace na kung saan madalas niya akong ilibre. Haha. Food palace na kung saan lagi kaming nag-aaway ni Petals. Hinila naman ako ng mga paa ko sa bawat building. Mga buildings na halos maging tahanan ko na sa araw-araw.

Bigla akong napatigil nang makapunta ako dito sa building na 'to. Naalala ko dito nung mga 1st year pa kami. Nung panahong niloko niya ako na may multo daw. Yung panahong akala kong iniwanan niya na ako pero nawala naman pala siya para buhayin ang switch ng ilaw. Haha. Those days...

Nagpunta din ako sa music room. Ang music room na halos maging bahay ko na din. Dito nabuo ang saya, kulitan, pagsasakripisyo at higit sa lahat, ang pangalawa kong pamilya. Ang SSA, pati na rin ang Disqualified. Naging memorable ang lugar na ito para sa akin. Ang lugar na kung saan madalas akong naghihintay.

Pinuntahan ko din ang Comfort Room na madalas kong pagCRan. Humarap ako sa salamin at ngumiti. Heto na. Dumating na yung araw na makikita ko ang sarili kong nakasuot ng Graduation Toga at Beca na color ORANGE. Tila, isang panaginip pa din ang lahat.

Sunod kong pinuntahan ay ang Auditorium. Dito nag-umpisang mabuo ang mga pangarap ko. Ang pangarap kong maging singer. Sa tapat din nito ang hindi ko malilimutang eksena noong Audition Day nung first year. Yung napagkamalan ko siyang naghahazing nang nakahubo sa buong campus. HAHAHA. I burst into laughter. Nakakahiya. Baka sabihin nang makakakita sa akin, may sayad ako.

Tumungo naman ako sa field. Ang field na malawak at napakapeaceful. Naalala ko tuloy nung kumanta kaming dalawa dito nung School Festival. Hindi ko malilimutan yun.

Nilibot ko halos buong university. May isa na lang akong hindi pa napupuntahan. Ang pinakaespesyal na lugar para sa akin. Save the best for last, ika nga.

Chapel. Nandito ako ngayon sa Chapel. Araw-araw akong nandidito. Hindi ko pinapalagpas ang araw ko nang hindi ako makakapunta dito. Nagdasal ako at nagpasalamat kay Lord. Nagpasalamat ako ng sobra-sobra sa lahat ng mga bagay na natatamasa ko ngayon. Ang makapagtapos nang pag-aaral ay 'di biro. Limang taon. Limang taon akong nagpakahirap para makapagtapos. Ang sarap sa pakiramdam.

As expected, my tears started to fall.

I sighed. May naalala ako sa pwestong ito kung saan ako nakaupo ngayon. Yung time na sinisin-ok ako. Tapos inabutan niya ako ng tubig.

Hay Enzo. Nasaan ka na ba?

Lalo tuloy akong napaatungal-baka. Nakakainis! I don't know why I'm still waiting. Ano bang nangyayari sakin at nagiging ganito akong kamartyr sa paghihintay?

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon