[34] Surprises

1.2K 32 10
  • Dedicated kay Le Lance
                                    

Chapter XXXIV

Surprises

Yvaughn's POV

"Goodevening my dear."

Pambungad na bati sakin ng isang magandang babae pagkagising ko. Kinusot ko ang mga mata ko. It's already 7PM! Bigla akong napaupo sa kama ko.

"MJ?" Bakit nandito siya sa kwarto ko?

"Hello Yvaughn! Happy birthday!" At ngumiti naman siya na parang isang anghel.

"Thank you?" Bigla akong napatingin sa isang long gown na nakasabit sa labas ng cabinet ko. Ang gandaaa. Napatigil ako sa kamanghaan ko nang bigla akong hinaltak ni MJ paalis ng kama. "Wear this!" Huh?

Nag-shower ako. Pagkatapos ay pumasok ako sa aking walk-in closet, sinuot ko ang gown at tumingin ako sa salamin. You look pretty, huh. HAHA. Pero teka, para san ba 'to?

"Sit here." Pinaupo ako ni MJ sa upuan ko at hinarap ako sa salamin. "Ah-eh, MJ, para saan 'to?"

"Don't worry, my dear, you will know soon." After that, she winked at me. Nag-umpisa na niya akong ayusan. Hair and make-up to be exact. After thirty minutes...

"Wow. You look so elegant. Ang ganda-ganda mo!" Naflattered naman ang lola niyo. Haha.

"Thank you, MJ. Ang galing mong mag-ayos eh." I said

"No biggie. Maganda ka lang talaga. Hehe. Sige, wait for me. Huwag na huwag kang aalis diyan. Magbibihis lang ako." Sinunod ko naman ang sinabi ni MJ. Umupo muna ako sa kama ko. Dahil hindi ako mapakali, dumungaw ako sa bintana. Oh? Ba't nawala ang garden namin?! San yun napunta?!

Biglang may kumatok sa pintuan. Si Kuya. He hugged me. "You're beautiful tonight, baby sis. Let's go?" Inoffer niya ang kamay niya sakin at inabot ko naman ang kamay ko sa kanya.

"Enjoy the night." Bilin sakin ni MJ.

Pagkalabas namin ng kwarto ko ay may nakita akong mga petals na nakakalat sa sahig. My curiosity is killing me now. Kaya hindi ko na natiis at tinanong ko na si Kuya. "Kuya, para saan 'to?"

"Happy birthday, Yvaughn."

Omaygad. Talagang pinaghanda ako nila Kuya?! Sabi ko naman sa kanilang huwag na eh! Ang kulit talaga. Huhuhu. Nakakaiyak. "Hoy. Wag kang umiyak. Kakayat ang make-up mo! Smile. Today is your day!" And then I smiled. Patungo kami ngayon sa backyard. Hindi ko alam kung bakit dito kami dadaan.

"Ako ang escort mo. May nag-aagawan kasi sayo kaya ako na lang ang umako. Baka makasakal pa ako ng wala sa oras."

"Kuya?!"

"Kidding. Hahaha! Pumasok ka na diyan. Gate to heaven 'yan. Haha." After nun, iniwanan na ako ng mokong. Ako na lang ang natira dito. Wala na akong choice kundi ang pumasok.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakamaskara.

"Surprise!" Bigla ko siyang nasapak. Aba! Nakakagulat eh. HAHAHA. "Kung sino ka man, sorry."

"Pasalamat ka, birthday mo ngayon! Oh pasok na!" Pumasok ako dun sa isa pang lagusan. Napakadami namang kaek-ekan nito. HAHAHA! Napalagay naman ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking bibig. Hindi ako makapaniwala! Nagset-up sila ng party para sa akin! Hindi nila ako pinakinggan. Sabi ko, simple lang, pero talagang ginawan nila ako ng party. My tears started to fall. Bigla namang nagpalakpakan ang mga bisita. Lahat ng mga espesyal na tao sa buhay ko, nandito silang lahat. Inalalayan naman ako ni Kuya sa pag-upo sa swing ko. May design itong mga LED Christmas lights at blue ribbons. Nagpasalamat ako kay Kuya at umupo ako dito. Tiningnan ko kung saan ito nakasabit. Sinabit nila ito sa malaking puno sa garden namin. Ang galing nang nag-isip nito.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon