[40] Teacher

1.2K 39 4
  • Dedicated kay VinceandCiara
                                    

Chapter XL

Teacher

Yvaughn's POV

3PM. Nandito ako ngayon sa tapat ng garahe namin. Ngayon daw kasi ako tuturuan nung driving teacher ko eh. I'm so egzoited! HAHAHA. Gusto ko nang matuto! Nagsuot ako ng shorts at polo shirt plus yung paborito kong Keds. Halos ibuhos ko na din ang pabango ko sa damit ko. Nakakahiya naman dun sa magtuturo baka mamaya amoy atangya pala ako. Hahahaha. Pero never naman mangyari yun noh!

Maya-maya'y may nakita akong kotse. Heto na siguro yung magtuturo sakin. Tumapat kasi sa bahay namin eh. Biglang bumaba yung driving teacher ko. Nakasuot siya ng shades, plain shirt, maong pants at saka rubber shoes. Ngumiti siya sakin. Parang familiar yung ngiti niya? Bigla niyang ibinaba ang shades niya at....

WHATDAPAK! ENZO?!

"Hey! Hop in!" Sigaw niya sakin.

What the?! Talagang siya nga?

"Sorry. May hinihintay kasi ako eh." I said. Baka naman hindi siya yun at assuming lang talaga ako.

"Sino ba yung hinihintay mo?" Sabi niya sabay ngiti nang nakakaloko.

"Yung driving teacher ko!" Sigaw ko naman sa kanya. Humalakhak naman siya sa pagtawa.

"Engot! Ako yung driving teacher mo! Sakin nagenroll ang Kuya mo kaya sumakay ka na kung ayaw mong iwanan kita diyan!" Letse! Napatakbo naman tuloy ako ng wala sa oras. Bubuksan ko na sana ang pinto sa front seat nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ako na." Pinagbuksan niya ako at pumasok naman ako sa kotse. Inintay ko siyang makaikot at sumakay. Gentleman naman pala. Haha.

Pero letse pa din talaga si Kuya! Dapat pala sinabi na niya sa sulat kung sino yung driving teacher ko! Baka mamaya kung anong isipin nito eh. Baka sabihin niya nagpaganda pa ako para sa kanya and this and that! Grr!

"Hoy! Ba't nakabusangot ka diyan?!" Nagitla ako sa tanong niya. "Ikaw naman. Masyado kang magugulatin. Nainom ka ba ng kape?"

"Ano naman sayo kung nainom ako ng kape?!"

"Ang sungit mo!" Sabi naman niya sakin.

"Well, ganyan talaga pag maganda. Package yan eh!" Biro ko sabay ngiti sa kanya. He smirked. "Oo na." Sumang-ayon naman siya. HAHA.

"Talagang nagpaganda ka pa para sakin ha." He grinned. Shiz. Nakakahiya. Pati ba naman 'to napansin niya?! Sabi na nga ba eh!

"Excuse me, for your information, hindi ako nagpapaganda sayo. At saka ano bang pake mo kung nakaganito ako?" I raised my eyebrow.

"Ang sungit talaga." Pagkatapos nun ay hindi na siya umimik.

After one hour ay nandito na kami sa isang malawak na lupain. Talagang bagay para sa mga baguhan sa pagdadrive. Nandito kami sa starting point.

"Lumabas ka."

"Ha? Ako? Lalabas? Bakit naman ako lalabas?" Tanong ko. Bakit niya ako pinabababa?

"Ang slow mo talaga. Siyempre, magpapalit tayo. Dito ka at ako diyan."

Ahhhhh! Kaya bumaba ako ng sasakyan at ganun din siya. Pagkatapos ay nagpalit kami ng pwesto. Baliw pala siya eh! Hindi niya agad sinasabi na ganun pala. Shunga.

"So ganito..." Inumpisahan na niya akong turuan. May background na naman ako sa pagdadrive kasi tinuruan ako dati ni Kuya ng basics kaso di natuloy kasi pumunta na siya ng Brazil nun. Ang ginamit naming kotse ay yung dala ni Enzo, aba siyempre, hindi pwede yung brand new car ko (YABANG. HAHA), hindi yun pwede kapag baguhan ang nagpapatakbo. Mahirap na baka mabingot yun! HAHAHAHA. Pero seryoso, kapag baguhan ang nagdadrive dapat ang gagamitin niyong kotse ay yung hasa na. Yung proven and tested, ika nga.

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon