[50] Give Up

1.5K 37 23
                                    

Chapter L

Give Up

"Goodbye Yvaughn!"

Iyan ang sambit ng mga bago kong kaibigan dahil pauwi na ako ngayon galing sa trabaho. Tinawagan ako nila Oliver kanina. Magkita-kita daw kami sa SM dahil may sasabihin daw silang mahalaga sakin. Ano naman kaya yung mahalagang 'yun?

Nga pala, nagtatrabaho ako ngayon sa Shell. Mechanical engineer ang position ko. Isang linggo na din akong nagtatrabaho. Nung una, siyempre nakakahiya. Pero alam ko namang makakaadapt din ako. Mababait naman yung mga katrabaho ko dito eh. Puro licensed engineers din ang mga kasama ko. Tapos puro fresh grad din yung iba. Sad to say, di kami magkasama ni Petals sa trabaho. May nag-offer kasi sa kanya na nagustuhan niya eh.

On the way na ako ngayon sa SM. Napansin ko namang biglang nagvibrate ang cellphone ko.

From Oliver:

Dito sa Tokyo-Tokyo. Ingat!

To Oliver:

Okidoki. Thanks!

Pagkababa ko ng sasakyan ko ay dumiretso agad ako sa Tokyo-Tokyo para hanapin sila. Wala naman sila dito eh? O hindi ko lang talaga sila makilala?

Napansin kong biglang may nagtaas ng kamay. Si Tim!

"Uy Engr. Yvaughn! Kamusta?!"

"Mabuti naman, Nathan!" Sagot ko.

"Upo ka oh."

Umupo naman ako sa upuan. Aba nga naman. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Hahaha. Ang laki nang pinagbago ng apat na mokong na 'to. Almost 2-3 years ko din silang hindi nakita.

"Kamusta na?" Tanong ko sa kanila.

"Heto, masaya. Nagtatrabaho. Gumigig minsan. Ikaw?" Sagot sakin ni Oliver.

"Nagtatrabaho na. Hahaha. Grabe, ang laki nang pinagbago niyo!" Sabi ko naman sa kanila sabay tawa.

"Paanong nagbago?! Hindi ah? Ganito pa din kami. Mga gwapo pa din." Biro naman ni Andrew.

"Kayo lang?" Pag-uusisa ko sa kanila. Nagtinginan naman sila.

"O...o? Ako, si Tim, Andrew at Nathan." Sagot naman sakin ni Oliver sabay turo sa mga kasamahan niya.

"Ah. Okay." I heaved a sigh.

Akala ko, madadatnan ko na siya dito.

"Sorry Yvaughn, pero, wala na din kaming balita sa kanya. Hindi nga din namin alam kung saan nagpunta yung abnoy na yun eh. Naiinis na nga kami. Dumating pa nga yung puntong ipinalagay namin siya sa dyaryo. Haha! Ikaw ba?"

"Wala din."

Bakit ganun? Kung kailan ready na ako, siya naman yung nawala. Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa? Ngayon na nga lang ulit ako nainlove tas mawawala naman siya.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"Huy Yvaughn! Huwag kang umiyak!"

"Baka isipin nila pinaiyak ka namin!"

"Huwag kang ganyan, Engineer!"

Napansin ko namang hinaltak nila ako paalis doon at dinala ako sa park malapit sa univ namin. Pinawi ko ang mga luha ko at napangiti. Namiss ko 'to!

"I miss you University of Soledad!" Nagsisigaw namang sabi nila Oliver. Pitik talaga 'to.

"Paano yung kotse ko?!" Aba! Naiwan yung kotse ko dun sa SM!

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon