[17] Customer

1.6K 42 7
                                    

Chapter XVII

Customer

"Kain na kayo!" Sigaw ni Reca sa buong bahay.

Pagkababa ko ay nagulat ako nang makita ko ang lamesa namin. Biruin niyo nga naman, success ang pagluluto nila. Akala ko makakasunog pa sila ng subdivision e. Hehe.

"Hmmm.. Ambango!" Sabi ko kila Reca at Gelo sabay singhot

"Yvaughn, ano ba yun? Ang inga---- Oh Reca, Gelo, kayo pala. Anong ginagawa niyo dito?" Nagswitch agad ng mood si Kuya ng makita niya si Reca. Alam na diz.

"Tinulungan namin si Yvaughn pageempake para sa outing mamaya." Sagot ni Reca

"Ahh. Sinong nagluto?"

"Kami ni Gelo." Sabi ni Reca sabay lapag ng kutsara at tinidor sa table.

"Hmm.. Ambango naman. Oh, may bisita pala tayo!" Si Mama naman ang bumaba at kadadating lang sa dining table.

"Ah eh opo. Pasensya na po napakelman na namin ang kusina niyo." Sabay kamot sa ulo ni Gelo

"Nako, ayos lang yun! Kaso nakakahiya sa inyo! Ikaw naman Yvaughn! Hinayaan mo pa ang mga kaibigan mong magluto dito!" Sabay hampas sakin ni Mama

"Ginusto nila 'yan Mama e. Hahaha. Lalo na itong si Reca." Nginusuan ko naman si Reca at ang sama ng tingin sakin. Haha.

"Nako naman iha. Nag-abala ka pa! Nakakahiya talaga sa inyo! Aba'y teka, nakapagpahinga ba kayo? Diba kagagaling niyo lang sa trabaho?"

"Hindi na kami natulog Ma. Wala na kaming itutulog. Sa biyahe na lang kami matutulog mamaya. Nga po pala, heto nga po pala yung sinuweldo namin." Inabot ko kay Mama yung envelope na may lamang 3K. Naisip ko kasing kay Kuya ko na lang ibigay yung 1K para naman makatulong ako sa panggastos sa outing. "Heto naman sayo Kuya. Pabalato ko 'yan sayo." Inabot ko naman kay Kuya yung kanya. "Ano ba Yvaughn, wag na. Para ka namang iba e. Mas kailangan mo 'yan."

Bait talaga ni Kuya, pero siyempre pipilitin ko pa 'ding tanggapin niya 'to noh. "Ano ba kuya, isipin mo na lang, libre ko 'to sayo! Pag 'di mo 'yan tinanggap magtatampo ako. Hayaan mo namang makaexperience ako ng ganito oh Kuya. Please?" With matching puppy eyes pa para makumbinsi.

"Sige na nga. Haha. Kawawa ka naman e. Tara nang umupo at kumain." At nag-upuan na kaming lahat. Ngayon lang ulit napuno ng ganito ang lamesa namin. Ang saya ko ngayon.

"Kayo nagluto nito lahat? Wow." Sabi ko kila Reca at Gelo. Nagluto kasi sila ng pancakes, sausages, bacon, eggs at hotdog rice tapos may veggie salad pa. Aham. Parang alam ko na kung sino ang nagprepare ng veggie salad. "Sinong nagprepare ng veggie salad?" Tanong ko

"Ako!" Sabay taas pa ng kamay ni Reca

"Bakit ganun? Ampanget ng lasa?" I'm trying to be serious pero biglang tumawa si Gelo.

"Hahaha! Alam na." Sabi niya

"April Fools! Beh!" Sabay belat naman sakin ni Kuya. Ugh. Para akong nafall sa sarili 'kong trap. "Ang sarap kaya! Tapos yung dressing, heaven."

"Hahaha. Beh! Ikaw ang naApril Fools! :p" At nakisama din ang luka. Deep inside, alam kong kinikilig 'yan sa compliment ni Kuya sa salad niya

"I'm just kidding. Haha! Ang sarap nga e! Di ko akalaing marunong ka pala magluto." Sabi ko naman

"Ikaw talaga Yvaughn! Pagpasensyahan niyo na 'tong anak ko ha? May pagkasaltik minsan."

"Mana ako sa inyo e. Hahaha."

"ANONG SABI MO?"

"Wala Ma! Sabi ko ang ganda natin!" At nagtawanan naman kaming lahat dito sa table

I Never Wanted To Fall, But I DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon