My Married Life

206K 1.4K 45
                                    

Nagising akong nakapatong ang ulo ko sa dibdib ng taong katabi ko. Tiningala ko ang ulo ko para makita kung sino ito, ang asawa ko. Napangiti ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Oo, masakit pero worth it. 

Bigla kong naramdaman ang paggalaw ng asawa ko na nagpangiti sa akin lalo. Bumangon ako para salubungin siya at batiin ng bigla siyang magsalita. 

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin ng walang emosyon. 

"Ah...eh...di ba...." Pautal-utal kong sagot. Nalungkot ako bigla. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung nangyari kagabi. 

Sumandal ito sa headrest ng kama at tinignan ako ng masama, "Ano?!" Tila naiirita niyang tanong sa akin. 

Nang hindi ako makasagot, dumako ang mga mata niya sa kumot na nakatakip sa katawan ko.  

"SHT!" Sigaw niya at dali-daling umalis ng kama at nagbihis. Sinuklay niya ang kanyang daliri sa kanyang buhok tanda ng hindi pagkapaniwala at tumalikod sa akin. 

Nakatingin lang ako sa kanya, para akong sinaksak ng paulit-ulit sa nagiging reaksyon niya. 

"May nangyari satin?" Tanong niya ng humarap na siya. 

Tumango ako bilang pagsagot ng oo at napamura ulit ito. 

"Pero... wala namang masama dun di ba? Asawa kita. Atsaka, honeymoon natin ngayon." Sagot ko dito. Totoo naman, kakakasal lang namin kahapon, buong akala ko, ayos lang ang lahat. Pero bakit ganto? 

Mas lalong sumama ang tingin niya sakin. Lumapit ito at hinawakan ng madiin ang baba ko. "Oo, sayo wala, pero sakin, meron, wala akong balak na galawin ka, wala akong balak na makasama ka sa iisang kwarto at sa iisang kama! WALA!" Gigil at pasigaw na sabi nito sa akin at saka binitawan ako. 

Hindi ko na napigilan ang luhang gustong lumabas mula kanina pa. "Sandro, bakit? Anong problema?" Tanong ko sa kanya, pilit kong pinatatatag ang boses ko. 

"Ikaw Thea ah, wag kang magkunwaring wala kang alam. Hindi bagay sayo." Sabi niya sa akin habang nakaturo ang daliri sa akin. 

Napayuko na lang ako at umiyak. Nagulat ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto, lumabas na siya. Napaiyak ako lalo, pilit kong inaalala ang mga nangyari sa amin bago kami ikasal, yung nangyari sa araw ng kasal namin, pilit kong inaalala kung may nagawa ba kong masama sa kanya, kung napagselos ko ba siya at galit na galit siya o iniisip niya kung pinagtaksilan ko siya. Pero imposible, walang araw na hindi ko siya sinabihan ng "I love you" at wala akong ibang nilapitang lalaki kundi siya lang. Pero bakit ganun na lang reaksyon niya? 

Akala ko pa man din, masisiyahan siya kasi sa kanya ko lang ibinigay ang sarili ko. Sinilip ko ang sapin ng kama na may pulang mantsa at napaiyak muli. Bakit ganun? Ang daming tanong sa isipan ko kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya? Gusto ko lang naman maipakita ko sa kanya na mahal ko siya, gusto ko lang naman iparamdam sa kanya na masaya ako dahil siya ang napangasawa ko, mahirap ba yun?

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon