"HAHA! Wait. Tama na! Daya niyo naman. Bakit ako lang sinasabuyan niyo ng tubig?" Sabay saboy din ng tubig sa mga kaibigan niya.
"HAHAHAHAHA!" Tawa lang ng tawa yung mga friends niya.
"OYYY! Ayoko na nga. Napapagod na ako." At lumakad siya papunta sa isang lalaking nakaupo sa may sea shore.
Inabutan siya nito ng tuwalya habang nakangiti. At nang nakaupo na siya sa tabi ng lalaki..
Nagulat na lang siya na biglang siyang yakapin nito.
"Hey! Anong problema mo ha? Haha!" Tanong niya dito.
"Wala." Bulong nito.
"I love you!" Ganting bulong niya dito.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
(Mavis' P.O.V)
"WAAH! Ang boring talaga ng summer!" Sabi ko kay Sandra.
Nasa bahay ako nila Sandra ngayon.
Nagkayayaan kasi kaming magbabarkada na magsleep-over.
Sumama na ako kasi lagi naman akong on-the-go.
Walang akong lakad na pinapalagpas.
And as usual, ako na naman yung nauna.
Lagi naman kasing late yung iba naming friends.
"Ikain mo na lang yan. Wait nga ang ikukuha kita ng snacks." Sabi ni Sandra sa akin sabay punta sa kusina.
Habang nasa kusina si Sandra, nagmuni-muni muna ako.
Tingin sa langit. Tingin sa lupa. Tingin sa left. Tingin sa right.
Nang biglang may naalala ako...
"WAAH! Bakit hindi ko matandaan yung mukha nung lalaki sa panaginip ko?!" Sabay hampas sa ulo ko.
Baka sakaling maalala ko eh, pero wala pa din.
"Daya naman! Sino kaya yung sinabihan ko ng I love you?!" Pag-iisip ko ng malakas.
"Talaga?! May sinabihan ka ng I love you? Yieeeeeee." Bigla akong napalingon.
Dumating na pala yung iba naming kaibigan.
"Hoy Mavis! Ikaw ha. Malihim ka! Kala ko ba ayaw mo pang magboyfriend?" Sabi ni Aya. Isa din sa NBSB kong kaibigan. Cute siya, babyface. Maliit, and medyo payat.
Anim kaming magkakaibigan. Puro girls! Ako, Sandra, Aya, Jasmine, Caitlyn and Maddy. Pero dalawa sa amin yung nagkaboyfriend na, si Maddy and Caitlyn. Classmate kaming lahat nung third year. Wala kaming classmate na boys kasi hiwalay yung boys sa girls. Iba yung building nila sa building namin.
Bawal pumunta ang mga boys sa building namin, and bawal din kaming pumunta sa building nila. Since elementary, ganun na yung policy sa school namin. So, sanay na kami. Kaya wala din akong friends na boy sa school ay dahil na din sa policy na yun. Kung may kilala man akong boys, dahil na lang yun sa friends ko.
May thrill din namang dala yung policy na yun. Syempre, kanya kanyang diskarte kung paano mo makikita yung crush mo. Hindi din kasi kami sabay ng recess and lunch. May time na nauuna yung boys, meron din namang time na mas una kaming magbreak.
"Boyfriend? Sinong may boyfriend?" Si Sandra habang dala yung snacks.
"Si Mavis!" Sabay sabay nilang sabi sabay turo sa akin.
Naman tong mga babaeng to! Pagkaisahan ba naman ako.
Hot seat na naman tuloy ako nito eh!
"Wala kasi yun! Mga echoserang to. Panaginip ko lang kasi yun kanina."
At kinwento ko sa kanila yung napanaginipan ko.
"Baka sign na yan!" Excited na sabi ni Aya. Nagniningning pa yung mata habang nangangarap.
"Ayy, ewan ko. Basta! Hindi ako magboboyfriend hanggang hindi pa ko 18!"
Sabay kuha ng sandwich.
At kumuha na din yung iba ng kanya-kanyang sandwich, at nagkwentuhan.
Nakalimutan na nila yung about sa dream ko.
"WHEW! Buti naiba na yung usapan. Pero sino kaya talaga yung lalaking yun?"
*- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -*
Author's Note:
Comment naman dian :)
Sino sa tingin niyo yung lalaki?
Yung Present? Past? Or yung Future?
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!