(Mavis' POV)
"Hello?"
"Mavis.."
"Sino to?"
"I'm back!"
Back?!
As in bumalik?!
Sino tong bumalik?!
Putek! Kinakabahan ako! Bakit ganito?!
"B-back? Sino nga to?" Pilit kong tinatagan yung boses ko.
"Nakalimutan mo na agad ako?"
Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Na para bang anumang oras ngayon mabibiyak na yung dibdib ko.
"Keith?"
Pabulong lang yung pagkakasabi ko, hirap na hirap akong bigkasin yung pangalan niya. Binalikan na niya talaga ako?
Totoo? Naiiyak ako :(
"Keith.. Ikaw ba yan?" Ulit ko dahil walang sagot mula sa kanya.
Konti na lang tutulo na yung luha ko.
"Hindi ako si Keith, Mavis. Si Jace to."
At parang ulan na sunud-sunod na pumatak yung luha ko.
ANG SAKIT!! ANG SAKIT SAKIT SAKIT!! </3 Bakit ba ko ginaganito?! Ano bang ginawa ko?
Tama na, please lang! Tama na! Ayoko na talaga!!
Ito na naman kasi ako! Nasaktan dahil sa patuloy kong pag-asa na babalikan niya ko. Nag-promise kasi siya eh, masisisi niyo ba ko?
Kahit anong sabi ko na hindi na ko aasa, hindi ko maiwasan. Ang hirap kasi!
"Umiiyak ka ba? Oy Mavis!!"
"Mavs.."
Pinigilan kong mapahikbi, "Yung.. pinapanuod.. ko kasi.."
"Ah ganun ba? Iyakin ka pala eh! Haha."
"Ha-ha-ha!" Sana hindi mahalata na fake yung tawa ko.
"Sige na, manuod ka na dian. Naistorbo ata kita. Gusto ko lang naman sabihin sayo na nakabalik na ko ng Pilipinas. Bye!"
---
(Jace' POV)
"I Wrote you 365 letters. I wrote you everyday for a year.."
Tsss! May ganyan ba? Kalokohan. Pinapalabas kasi ngayon yung The Notebook.
Alam niyo naman siguro yung kwento nun db?
Yung nanay ng babae ayaw dun sa lalaki kasi mahirap lang. Tapos lumayo yung lalaki, at lumipas yung ilang taon nagkita ulit sila dahil nadyaryo yung lalaki dahil sa bahay niya. Mahal pa rin nila yung isa't isa kaya lang ikakasal na yung babae sa ibang lalaki. Pero sa huli sila pa din yung nagkatuluyan. Ah basta, ganyan yung kwento.
Mga palabas naman talaga. Sino kayang tanga yung magpapadala ng sulat araw araw? Sipag niyang magsulat ha.
Hindi naman nangyayari yan sa totoong buhay. Pinapaasa lang nila yung mga tao.
Pinagtyatyagaan ko na lang panuorin kasi ang boring dito sa eroplano. Tumingin ako sa relo ko. Isang oras mahigit na lang siguro mag-lalanding na kami.
Hindi ko sinabi kay Mavis na ngayon yung uwi ko. Gusto ko siyang isurprise, trip lang. Nakakatuwa kasi siya. Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko siya.
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!