Chapter 16: Mga damdaming hindi mapigilan

73 2 0
                                    

(Mavis' POV)

"Oh talaga? Pumayag na? Yeeeeey!" 

Nasa sala ako at kausap si Aya sa phone , tumawag siya para sabihin na pumayag na yung kuya niya na sumama kami sa swimming nila 

"Sige sige, nasabihan mo na ba sila Jasmine?"

Aya: "Hindi pa, ikaw muna yung tinawagan ko."

"Osige, tawagan mo na sila. Bye!" Binaba ko na yung phone para mag-aayos na ko ng gamit ^____^ 

"Heeep! Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni mama na nagpahinto sa akin sa pag-akyat.

"Sa kwarto ko. Saan pa ba ako pupunta?" 

"Hindi yun. Saan kayo pupunta ng mga kaibigan mo? Bakit hindi ka pa nagpapaalam?"

"Bukas ko pa balak magpaalam kasi papayagan niyo din naman ako. Hahaha!'

"Ito talagang batang to, gala." 

"Eh paano naman kasi ma, inispoiled niyo yan." Singit ni Kuya Paolo.

"Parang ikaw hindi ah." Ganti ni mama.

"Oh tama na yan, wag nang magsisihan kasi pareho lang kayo. Haha! Basta pinayagan niyo na ko." Binilisan ko yung pag-akyat ko para hindi na sila makatanggi. 

"Mavis!" Sigaw ni mama.

"Byeee mom! Good night! Hahaha." Sinarado ko na yung pinto ng kwarto ko.

Hmmmm. Ano kaya dadalhin ko? Excited na ko ^____^ 

"Alam ko overnight yun so, ano kaya?"

Swimsuit, towel, shorts, t-shirt, pajama? Haha. Bakit ba? Pajama pagmatutulog na. Hmmmm. Sabon, toothbrush, toothpaste, towel, sunblock, brush, shampoo. May nakalimutan pa ba ko? Undies! Yaah. Buti na lang naalala ko. Ano pa ba?

♬Whooa! What time is it? Where you are? I miss you more than anything.. ♬

Huh? Ring tone ko yun ah. Kinuha ko yung phone ko na nasa study table ko.

Jace Mendez' calling..

Ano na naman kaya kailangan nito? 

"Hello?"

"Ano bang ginagawa mo?"

Nangunot yung noo ko sa tono nang pananalita niya. Parang inip na inip na kasi siya. "Nag-iimpake. Bakit?"

"Kanina pa kita tinatawagan! Kala ko galit ka na naman sa akin kasi hindi mo sinasagot yung tawag ko."

Ahhh. Kaya pala. "Oww. Sorry, nasa baba kasi ako."

"Pero teka, bakit ka nag-iimpake? Saan ka pupunta? Aalis ka? Kelan?"

"Wow ah! Daming tanong! Bakit ka muna tumawag?"

"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo."

Nandito siya?! Napatingin ako sa orasan, 8:45 na ah. Talagang nandito siya? "Talagang nandito ka?" 

"Oo nga kaya bumaba ka na dito." Utos niya.

"Okay fine. Wait lang! Bye."

Pagkababa ko ng cellphone tumingin agad ako sa salamin. Sinipat sipat ko yung sarili ko. "Hmmm. Okay, fresh pa naman ako. Konting pabango na lang para langhap sarap. Haha!" Natawa ako sa sarili ko. 

Bumaba na ko, at diretso diretso na sa pintuan ng sitahin ako ni Kuya, "Oy, saan ka na naman pupunta?"

"Ahh. Magpapahangin at maglalakad lakad lang. Sama ka?"

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon