"AHHHHHHHH!"
"Tol, ano ba problema mo? Talo ka na naman!"
Naglalaro kami ni Carlo ng PS3 dito sa bahay. Saturday ngayon kaya tinawagan ko siya para may kalaro ako.
"Badtrip!"
"Labo mo naman tol! Kanina ka pa badtrip ng badtrip dian. Ako din malapit nang mabadtrip sayo."
Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito. Dalawang araw na ako wala sa mood. Pati sila lolo nagtataka kung ano ba problema ko. Lola at lolo ko lang kasama ko sa bahay, pati dalawang katulong. Yung tatay ko? Ewan ko. Nasa ibang bansa din. Hiwalay na kasi sila ng nanay ko. Pero nagpapadala siya ng pera.
Kinukuha na ko ng nanay ko, dun na daw ako tumira sa LA para daw magkasama na kami. Ang sabi ko lang sa kanya, pag-iisipan ko.
"Psssh."
"Isa pa. Iiwan kita dian. Aalis pa kami ni Cait mamayang 3pm."
"Hindi ka ba nagsasawa?"
"Eh loko ka pala! Bakit ako magsasawa sa sarili kong girlfriend?"
"Ewan ko sayo. Bakit ako tinatanong mo? Ikaw tong may girlfriend!"
"Ligawan mo na kasi si Mavis. Yieeee!"
"Alam mo ang bading mo... Paano ko liligawan? Galit nga sa akin yung tao." Kahit isa man lang sa text at tawag ko walang sinagot. Isama mo pa yung message sa facebook.
"Lakas mo tol! LQ agad kayo? Hahaha. Imba ka talaga!" Sumalute pa sa akin.
Binatukan ko tuloy, "Nakakatulong ka. Salamat!"
"Aray! Ano ba kasing ginawa mo?"
"Hindi ko din maintindihan. Nagkita kasi kami sa mall nung wednesday, kasama ko si Stacy nun kasi nagpasama siya sa akin." Kinwento ko lahat ng nangyari. "Tapos nagpaliwanag ako, na wala lang yun. Na kaibigan ko lang si Stacy pero ang sinabi niya lang sa akin hindi ko naman daw kailangan magpaliwanag."
"Tama nga naman siya, bakit ka ba kasi nagpaliwanag? Ano ka ba niya?"
Oo nga, ano ba niya ako? Hindi naman niya ako boyfriend. Pero alam niyo yung pakiramdam na kailangan kong mag-explain sa kanya?
"Wala, kaibigan lang niya ako." Gusto ko naman to, kaya nga ayoko siyang ligawan kasi mas gusto kong magkaibigan lang kami.
Pssh. Hindi naman ako ganito kay Stacy nun.
"Ano ba talaga yung nararamdaman mo para kay Mavis?"
Ano nga ba?
Masaya ako pagnakikita ko siya, lalo na pagnakangiti. Hindi kumpleto araw ko kung hindi ko siya nakakatext, lalo na pag hindi ko naririnig boses niya.
"Hindi ko alam." Pero hindi ko talaga alam kung ano to.
Isa pa din to sa kinaiinisan ko, hindi ko alam kung bakit apektado ako. Tsssss!
"Pero alam mo kaya siya nagalit, nagselos yun."
"D nga?" Natutuwa akong isipin na nagselos si Mavis
"Oo. Hina mo naman!"
"Tell me what to do."
"Suyuin mo. Yun naman gusto ng mga babae."
"Paano?"
--------
"Db number 23 daw bahay nila Mavis sabi ni Cait?" Sa isang subdivision siya nakatira. Hindi naman kami nahirapang makapasok dahil hindi naman gaanong kahigpit yung mga guard.
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomansaAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!