(Caitlyn's POV)6:30am
First day of school na. Kasabay kong pumasok sa school si Carlo ko :">Nakasakay kami sa jeep. Puro estudyante din nakasakay, pasukan na talaga.
"Sino kaya adviser ko? Sana mabait." Sabi ko kay Carlo.
"Lagi namang mabait hinahanap mo. Walang thrill yun." Minsan talaga ang lakas nitong mambara.
Pero hindi ako papatalo.
"Oo nga, kaya tignan mo hindi mabait yung binigay sa akin." >:)
"Anong hindi mabait? Buti nga nakakatagal pa ko sayo."
"Ah ganoon? Bakit mo pa ko niligawan?"
"Kasi mahal kita." Nakangiti pa siya habang sinasabi yun.
Yun yun eh!! Banat kung banat. :">
Ang aga aga pinapakilig ako ng boyfriend ko. Buo na araw ko, pwede na kong matulog. Hahaha!
"Hoy, wag ka nang mangarap dian. Bababa na tayo."
Panira ng moment!(._.)
Naglalakad na kami papuntang gate nang makita ko sila Maddy at Sandra na medyo nasa unahan namin.
"Carlo, una na ko. Ayun sila Sandra oh." Tinuro ko.
"Sige, hintayin na lang kita mamaya sa grounds."
"Sige. Kitakits na lang. Bye!" Tatakbo na sana ako nang may maalala ako. "Psst! Aalis nga pala kami nila Jas mamayang uwian. Sama ka ha!"
"Ako lang lalaki?" Nag-nod ako. "Isasama ko si Jace."
"Sure, okay lang. Bye!"
At iniwan ko na ng tuluyan si Carlo ko.
"Good morning friends!" Inakbayan ko sila Sandra at Maddy. "Asan yung tatlo?""Hindi namin alam. Baka nandun na sa classroom." Sabi ni Maddy.
Hindi kami magkakaklaseng anim, pero magkakatabi lang classroom namin.
Si Sandra at Maddy, section 5. At kaming apat naman nila Aya, Jasmine at Mavis, section 7.
Sa school kasi namin even numbers, section ng lalaki. Odd numbers naman yung section ng babae.
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!