Hi! I'm Mavis Rae Cruz Saavedra :)
16 yrs. old at nag-aaral ako sa isang private school na malapit lang sa bahay namin. Dalawa lang kaming magkapatid at bunso ako. Yung kuya ko yung panganay.
Sabi ng friends ko walang hiya daw ako. Pero yung totoo, mahiyain ako. I don't know how to approach people especially boys.
Kasi buong buhay ko puro girls kasama ko. Ever since na pumasok ako sa school na yun hindi ko naranasan na magkaroon ng lalaking classmates.
Hindi ako sikat sa school namin. Hindi naman kasi ako ganun kaganda para mapansin ng iba. Kung sumasali man ako sa contest, I always make sure na group contest yun. Mahiyain nga kasi ako.
Hindi din madami friends ko. Sila at sila lang lagi kasama ko hanggang ngayon. Kasi for me, I don't need many friends para masabi na superior ako or sikat.
Okay na sa akin yung mga barkada ko, masaya naman ako sa kanila.
Maraming nagsasabi na sa unang tingin daw mataray akong tignan, ibang-iba daw kasi itsura ko pagnakangiti ako. (GAWIN BA KONG MONSTER?)
Pagnaging close na sa akin, dun lumalabas yung kulit ko. Mapang-asar, mapagbiro at mababaw lang kaligayahan ko. Sa lollipop lang masaya na ko :)
Childish din ako minsan. Nagtatantrums, at nawawala sa mood. Baliw yan ang tawag sa akin ng iba. HAHAHA! Weird din. Walang basagan ng trip kasi.
Pero hindi ako nagagalit. NEVER! Hanggang inis lang yung nararamdaman ko. Pagnapatawa mo ako, automatic na nawawala yung inis ko.
Si Aya, Jasmine, Caitlyn, Maddy and Sandra yung barkada ko. Classmates kami nung third year high school.
Hindi ko alam kung bakit kami naging magkakaibigan. Siguro kasi may pagkaweird, baliw at maldita kami kaya nagclick kaming lahat.
Isa lang sa amin ang may boyfriend ngayon, si Caitlyn. Pero si Maddy nagkaroon na ng boyfriend. Ako, Jasmine, Aya and Sandra naman, NBSB! NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.
May crushes kami, madami! Pero hanggang crush lang muna. Wala pa sa isip namin yung mga ganung bagay.
Masarap kayang maging single! Hindi ba? Hindi ba? Agree? May promise din ako sa sarili ko na hindi ako magboboyfriend hanggang hindi ako 18 yrs. old.
Hindi ko din alam kung saan ko nakuha yang promise na yan. Pero tutuparin ko yan! Cross my heart, hope them die. HAHAHA! Nandamay pa.
Oh siya, tama na yung introduction.
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Chapter 2: Sleep over
(Aya's POV)
Nasa kwarto na kami ni Sandra.
Lahat kami tapos nang maligo at nakasuot na nang pantulog pero wala pa kaming balak matulog.
Kaya ito nanunuod kami ng movie,
HORROR MOVIE!
"Shemay tong si Mavis! Bakit ba kasi horror movie pa. Pwede namang love story." Sa isip isip ko.
I really hate watching horror movies! Hindi ako makakatulog nito eh. Nakapatay pa man din yung ilaw. Paano na lang kung may...
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Pati ako napasigaw dahil dito kay Maddy. Sabay takip ng unan.
Ayoko na!!! Mommy!! Naiihi na ko sa sobra takot! Gusto kong mag-cr. Kanino ba pwedeng magpasama?
AYY! Kay Mavis! Matapang yun eh!
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!