Chapter 9: First day of school (Part 2)

66 2 0
                                    

Hmmmmmmmmm. Naiisip niyo ba ang naiisip ko? 

Si Jace na ang hinahanap kong lalaki para sa kaibigan ko :">

Siguro si Jace ang dahilan kaya naging biglang interesado si Mavis sa mga lalaki. Ngayon ko lang din nakita si Mavis na nakipag-usap sa boys na hindi naman kinakailangan. At higit sa lahat pumayag din siya na hanapan ko siya ng boyfriend na dati halos lumuha na kami ng dugo para lang pansinin niya yung mga sinasabi naming gwapo. 

Pero kailangan ko munang tignan kung pasado ba si Jace. Baka saktan lang kasi niya si Mavis. Ayokong masaktan ang kaibigan ko no! Lagot siya sa amin pag-umiyak to dahil sa kanya. 

May huminto ng jeep. Nauna kaming girls sunod yung couple at si Jace.

Ang ayos namin ganito.

       Pintuan ng jeep. Jas Maddy Mavis Aya Sandra

       Pintuan ng jeep. Cait Carlo Jace

Magkatapat yung dalawa. Buong byahe namin papuntang mall nag-uusap lang si Carlo at Jace, pero hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses siyang tumitingin kay Mavis.

"Hindi naman mawawala si Mavis ah. Kung sa akin na lang siya tumingin."

10 minutes din ang lumipas nasa tapat na din kami ng mall. Bumaba na kami at tinignan ko agad sila. Daig ko pa si Jaworski magbantay sa dalawa. Pagkababa pa lang ng jeep nakita ko na agad na lumapit si Jace kay Mavis. Nakangiti na naman siya! At parang may sinabi si Jace kay Mavis dahil nakita kong nagulat at namula si Mavs. 

Lumapit ako sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. 

Jace: "Hindi mo ko pinansin kanina." Nagtatampong sabi ni Jace. 

Wow! LQ agad?!

Mavis: Sinagot naman kita kung saan ako nagpunta kanina db?

Hindi dapat ganyan ang sagot, friend!

Jace: Hindi yun. Yung nagkita tayo nung break. Nginingitian kita tapos ikaw parang wala lang.

Mavis: Ah eh wala naman akong sasabihin sayo.

Namula si ate! Nakanang. Nagbablush! 

Kaya naman pala nakangiti si Jace kanina si Mavis pala ang nginingitian. Kala ko pa naman para sa akin yun! Chos.

Nakapasok na kami ng mall at hindi pa din hinihiwalayan ni Jace si Mavis. Hindi tuloy ako makapagtanong. 

Nasa unahan namin sila at medyo malayo na. Parang nakalimutan na nila kami. Naramdaman ko na may sumiko sa akin, paglingon ko nakita ko si Aya. 

"Close pala yung dalawang yun? Bakit hindi natin alam?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko nga din alam. Tignan mo parang sila lang magkasama."

"Oo nga. Ngayon ko lang nakita si Mavis na may kausap na lalaki bukod dun sa mga kailangan lang talaga niyang kausapin."

"Hayaan mo na. At least napatunayan natin na hindi tibo yan no. HAHA!"

"Hahaha! Tama tama! Napapansin na nga din nila Sandra sila." 

"Obserbahan na lang natin. Wala man lang kasi tayong alam."

Nagpunta muna kami sa Timezone para maglaro. Relax relax muna kami. Naglalaro kami ni Aya ng Pang Pang Paradise, si Maddy at Sandra nasa may DDR, si Cait at Carlo nasa photobooth, at si Jace at Mavis. Teka!! Asan yung dalawang yun?! 

Hinanap ko sila at naabutan kong may binibigay na stuffed toy na kulay red si Jace kay Mavis. Nakuha niya ata dun sa may parang machine na puro stuffed toys. Gets niyo ba? 

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon