(Jace' POV)
Pag-open ko ng facebook name agad ni Mavis hinanap ko sa mga online.
Ang oras kasi ng pagchachat namin ay 5pm, kung oras dito sa L.A. 8am naman kung sa Pilipinas. At matutulog naman ako pag 12md na.
Paggising ko, chat na naman ulit kami. 9am dito sa L.A at 6pm naman sa Pilipinas. Ganun na yung routine namin araw-araw.
Sa loob ng dalawang linggo na magkachat kami, hindi na ko masyadong ilang sa kanya.
Para na talaga kaming close friends.
Pero offline siya. Napatingin ako sa oras, "Ganitong oras naman kami laging magkachat ah." Baka tulog pa or busy kaya?
Naglaro na lang ako ng PS3. Hanggang sa antukin ako hindi pa din siya online.
"Bukas na nga lang." Parang kulang tuloy yung araw ko.
(Mavis' POV)
Ang gaan ng pakiramdam ko paggising ko.
This is it! No more past na, I'll face my present life.
Bumangon at pumasok ako sa banyo para maligo.
"You've got every right to a beautiful life. C'mon. Who says, who says you're not perfect. Who says you're not worth it.."
Kanta ko habang nagsusuklay at nakatingin sa salamin.
Masaya talaga ako ngayon.
Pumunta na ko sa dining room para kumain. Gising na din pala yung mga pinsan ko.
"Kain ka na sleeping beauty." Napangiti ako kay Kuya Marvin.
Hindi pa din siya nagbabago. Siya yung pinakapaborito kong pinsan. 2 years ahead siya sa akin.
Naging close kami kasi nakatira siya sa bahay namin dati. Close din sila ni kuya Paolo, yung kapatid ko.
Sleeping beauty tawag niya sa akin kasi daw antukin ako at lagi daw ako tulog nung bata pa ko. Favorite ko din kasi si Aurora.
"Good morning kuya." And I give him a smile.
After namin kumain nanuod na lang kami ng tv kasi walang internet dito sa probinsya.
Internet.. Facebook.. Chat..
Bigla kong naalala si Jace.
"Kamusta na kaya si Jace?"
Hindi ko man lang nasabi sa kanya na magbabakasyon ako. Baka hinihintay ako nun.
Assuming!
Kawawa naman kasi siya wala siyang kausap. Baka bored na bored na yung tao. Pagsasalo ko sa sarili ko.
"Jace? Boyfriend mo?"
Nagulat ako kay Kuya Marvin.
"H-Ha? Wa-wala akong boyfriend! At anong Jace? Sabi ko gusto ko ng jellyace." Natatarantang paliwanag ko kay Kuya Marvin.
"Sabi mo 'Lsfryfbnskru si Jace?' eh."
"Ay nako Kuya! Ang bingi mo! Samahan mo na lang akong bumili ng jellyace."
"Ayoko nga, sino muna si Jace?"
Tinignan ko siya ng masama.
"Haha. Parang bata! Lika na nga. Pero Jace talaga rinig ko." Pagpipilit niya.
"Jellyace nga kasi!! Ang kulit!" (-.-)
"Oo na. Pikon ka pa din talaga. Hahaha!"
"Tita! Lalabas muna kami ni Kuya!" Paalam ko.
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!