Chapter 20: Masakit pala talaga

41 3 1
                                    

(Cait's POV)

"Guys, una na ko ha. May lakad pa kasi kami ni Carlo. Kita na lang tayo bukas! Excited na ko!" At last natapos na din yung exam namin tapos fieldtrip pa namin bukas.

Aya: "Oh sige, kitakits na lang. Kami din nila Sandra aalis, bibili kami ng chips para bukas. Baka nasa labas na sila"

"Okay, una na ko. Papaalam na din ako sa kanila. Bye friends!"

Aya: "Byeeeeeeee!"

Jasmine: "Ingat ka, wag kang masyadong maging tuko sa boyfriend!"

"Bakit? Inggit ka na naman. Hanap ka na din kasi nang hindi ka naiinggit. Bye, Mavis!"

Yan na naman siya. Wala na naman siya sa sarili niya. Ilang linggo na ba siyang ganyan? 2 weeks? 3 weeks? Hindi naman nagkukwento kahit anong pilit namin. Minsan naman okay siya, nakikipagkulitan, yung parang normal lang niya kaya lang may oras na lumilipad sa kung saan yung isip niya.

"Mavis!"

Mavis: "Oh? May sinasabi ka?"

Haay. "Ang sabi ko mauuna na ko kasi may lakad pa kami ni Carlo. Ikaw ba? Uuwi ka na ba o sasama ka kila Aya? Bibili daw sila ng pagkain para sa fieldtrip natin bukas."

Mavis: "Hindi, uuwi na ko. Masakit ulo ko eh. Matutulog na muna ako baka magpabili na lang ako kay Mommy or kay Yaya nang kailangan ko."

"Oh edi sabay na tayo lumabas."

Mavis: "Okay. Bye Aya and Jasmine. Text niyo na lang ako ha."

Jas: "Sige, pagaling! Alam mo naman ayaw na ayaw kitang nagkakasakit! Hahaha. Party party pa tayo bukas no!"

Mavis: "Ewan ko sayo liit! Pasweet ka pa kala mo sweet ka? Alat mo kaya. Hahaha!"

"Hep! Tama na yan. Nag-asaran pa! Baka hinihintay na ko ni Carlo. Lika na!" Hinatak ko na siya palabas ng classroom at nakita namin sila Sandra kaya nagpaalam na din kami. Naglalakad na kami sa grounds nang makita ko si Carlo.

"Carlo!"

Carlo: "Tagal mo naman! Kanina pa ko dito. Hi Mavis!"

"Sorry naman boss! Tagal kaya namin palabasin kanina tapos dumagdag pa tong babaeng to."

Mavis: "Hello! Bakit ako? Anong kasalanan ko? Ikaw kaya may kasalanan kaya matagal ka. Paganda pa ng paganda!"

"Wushoo. As if naman wala kang pinapagandahan! Hello, may Jace ka db? Yieee. Kamusta na nga pala kayo?"

(Mavis' POV)

Grabe. Ang sakit ng ulo ko! Buti tapos na exams namin. Lagi na lang akong puyat! Oh well, ang totoo niyan kailangan kong aliwin sarili ko para hindi ko muna siya maalala. 2 weeks na ata since last na magkausap kami at yun pa yung nakita ko silang magkasama ni Stacy sa simbahan! Umaasa pa naman ako na tatawagan or kahit text niya man lang ako kinagabihan nun pero wala.. Potek. Bakit ang daming paasa?

"Mavis!"

Ay, tinatawag pala ako. "Oh? May sinabi ka?"

Cait: "Ang sabi ko mauuna na ko kasi may lakad pa kami ni Carlo. Ikaw ba? Uuwi ka na ba o sasama ka kila Aya? Bibili daw sila ng pagkain para sa fieldtrip natin bukas."

"Hindi, uuwi na ko. Masakit ulo ko eh. Matutulog na muna ako baka magpabili na lang ako kay Mommy or kay Yaya nang kailangan ko."

"Oh edi sabay na tayo lumabas." Nagpaalam na din kami kila Sandra na nasa labas ng classroom. Nung nasa grounds na kami nakita na namin si Carlo mukhang badtrip ata itsura.

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon