Chapter 14: Ang mga baliw kong kaibigan

50 3 0
                                    

(Maddy' POV) 

"Sandra!! Bilisan mo naman. Naghihintay na sila Aya sa labas." 

Club recruitment namin ngayon. Lahat ng club may kanya kanyang table sa grounds. May Mathclub, DTC para sa science club, Dance troupe, school singers at marami pang iba. 

"Bilis! Baka madami ng tao sa baba." Lumabas na kami ng classroom, at sabay sabay na kaming bumaba. 

Aya: "Ano bang club sasalihan natin?" 

Sandra: "DTC na lang tayo. Para kasali tayo sa Muscles and Minds game." 

Masaya kasi yung laro na yun. Parang Amazing Race. Yun lang habol namin sa club na yun. Pagkababa namin madami nang estudyante sa grounds. Nahirapan kaming hanapin kung saan yung DTC. 

Cait: "Baka nandun sa kabila." 

Ayun!! Nakita na din namin sa wakas. Konti lang nakapili, sino ba naman kasi sasali sa science club db? Mga geek lang siguro. 

Nag sign-up na kami agad at naglibot libot pa sa grounds para maghanap pa ng magandang club kasi at least 2 clubs dapat yung masalihan namin.

"Bakit hindi mo kasama boyfriend mo?" Tanong ko kay Cait.

Cait: "May gagawin pa daw sila. Mamaya siguro susunod yun. Kakain ba tayo?"

"Tanong mo sa kanila kung gusto nila. Sa akin okay lang pero dian lang tayo sa labas ha. Sa may Mcdo."

Cait: "Okay! .....Friends! Kain tayo mamaya ha!"

Aya: "Ang takaw mo talaga. Lagi ka na lang nag-aayang kumain."

Cait: "At least hindi tumataba." 

"Ouch!! So mataba ako?" Medyo chubby kasi ako. Medyo lang naman. 

Sandra: "HAHA! Nasaktan tuloy si Maddy."

Mavis: "Papayat ka kasi! Hahahaha." Inakbayan pa ko.

Jasmine: "Pag yan sumeksi tignan niyo. Taob tayong lahat!"

Aya: "HAHAHAHA. Witweew!" At tumawa na din silang lahat. Pagdating talaga sa usapan na mataba or chubby ako talaga bida eh.

"Edi kayo na sexy! Kala niyo dian ah."

Mavis: "Friend, kahit hindi ka sexy. Maganda ka naman."

"Alam ko naman yun no! Lahat tayo maganda."

"Yeah!" Lahat kami nagtawanan. Ang maganda talaga sa aming magkakaibigan, walang pikunan. Alam naman namin kasi kung ano yung dapat gawing biro at ano ang hindi.

"Guys wait lang, may bibilhin lang ako sa canteen. Aya, samahan mo ko." Paalam sa amin ni Mavis. At kinaladkad niya si Aya.

Sandra: "Sige, hintayin na lang namin kayo dito!"

Umupo muna kami sa isa sa mga bench sa grounds at nagsight seeing kami. Dami pa ding estudyante na nagkalat sa school kahit uwian na. Whoa! Daming gwapong lower years! Kundi lang kami 4th year eh.. Nilandi ko na yan. Kaya lang 4th year na kami, baka makasuhan pa ko ng child abuse =____=

Jas: "Mads."

"Oh?" 

Ngumuso lang si Jasmine.

"Ha? Anong nginunguso-nguso mo dian? Gusto mo ng kiss?" At sige pa din siya sa pagnguso. Pati tuloy ako napapanguso na.

"Ano ba kasi yun?!" Nakanguso ko na din na sabi.

Jas: "Si James may kasamang babae! Ayun oh."

=_____=

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon