Chapter 17: Hindi ako papayag!

61 2 1
                                    

(Stacy's POV)

"Oh iha! Buti naman at napadalaw ka ulit dito. Ang tagal na nating hindi nagkita. Halika, pasok ka." Sabi ni Lola Lita Aida habang binubuksan yung gate nila.

Nandito ako sa bahay nila Jace. Namiss ko na din kasing pumunta dito, namimiss ko na sila Lolo at Lola. Ang bait bait kasi nila sa akin, hindi nga sila tutol nung naging kami ni Jace at tinuring nila ako na parang apo na din.

"Lola!! Namiss kita." At hinalikan ko siya sa pisngi. "Bakit kayo po yung nagbukas ng gate? Asan po katulong niyo?" 

"Nandoon, naghahanda ng almusal. Tamang tama dating mo, nag-almusal ka na ba?"

"Hindi pa po." Nahihiya kong sabi.

"Oh siya, sumabay ka na sa amin. Pinapunta ka ba ni Jace dito?"

"Ay naku Lola! Hindi po. Ako lang po yung nagkusang pumunta dito. Asan na po ba si Jace?"

"Nasa kwarto pa niya... Melba! Pakitawag na nga si Jace, at kamo kakain na." Pinaupo na ko ni lola at, kumain na daw ako. 

"Eh lola si lolo Ben po?"

"Ay naku, maagang umalis. May pupuntahan lang daw siya saglit."

"Ahh. Sayang naman po."

Kukuha na ko ng hotdog nang marinig ko yung boses ni Jace, "Hmmm. Ang bango naman ng pagkain.. Oh Stacy!! Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo ah!" Ganun ba siya kagulat na nakita niya ako sa bahay nila? Parang dati naman lagi ako dito.

"Good morning! Masama na bang pumunta dito? Namiss ko na kasi si Lola! Db La?" 

"Hayaan mo na siya, apo. Umupo ka na sa tabi ni Stacy at kumain na tayo." At ganun na nga ang ginawa ni Jace. Umupo siya sa tabi ko't nagsimula nang kumain. Inaabutan ako ng pagkain ni Jace, walang pinagbago parang kelan lang..

"Kayo ba walang balak magbalikan ha?" 

Pareho kaming nagulat ni Jace sa sinabi ni Lola, "Lola, okay na kami na magkaibigan lang. Db Stacy?" Sagot ni Jace na nakabawi agad sa pagkabigla.

"Opo, Lola. Mas okay na yung ganito." 

"Bakit? May gusto na ba kayong iba?"

"Wala pa po." Sabay tingin ko kay Jace na kasalukuyang hawak yung cellphone niya at nagtetext. Hindi niya narinig yung sinabi ko. Haay! "Ewan ko lang po kung si Jace meron na."

"Ha? Ano yun?"

"Paano mo kami maiintindihan kung hawak mo yang cellphone mo. Kumakain tayo, bitiwan mo yan." Sabi ni Lola.

"Sorry La, importante kasi tong katext ko eh."

"Sino ba yan?" Sino kaya katext niya? Ang aga pa ah. "Si Carlo ba yan?" 

"Hindi. Basta, kumain ka na. Payat mo oh. Haha!" 

"Grabe! Oo na, kakain na nga ng marami."

"Mga batang ito talaga." At nginitian ko na lang si Lola.

Pagkatapos naming kumain, pumunta kami sa sala at nagkwentuhan nila lola at Jace. 

"Saan mo balak mag-aral, Stacy?" Tanong ni lola sa akin.

"Hindi ko pa po alam eh. Kung saan po pumasa."

"Anong course ba gusto mo?"

"Engineering po sana. Hehe! Sana po pumasa."

"Itong si Jace engineering din ang gusto. Mas maganda siguro na magkasama kayo sa iisang school ulit. Db Jace?"

Wala kaming nakuhang sagot mula kay Jace dahil busy na naman siya sa katext niya. "Sino ba kasi katext nito? Nandito ako tapos kung anu-ano lang pala gagawin niya." Haaay. Kasalanan ko rin naman kung bakit wala na siyang pakialam sa akin.. 

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon