Chapter 6: He's back!

68 3 1
                                    

Uuwi na kami mamayang gabi. Mamimiss ko tong place na to. 

Pinagsasawaan ko nang tignan yung paligid ko. Matatagalan na naman kasi bago ako makabalik dito.

Nasa ilog kami. Naliligo. Ang sarap ng tubig, ang lamig lamig. Malinis yung tubig dito sa probinsya, pwede kang maligo o kaya maglaba. Maya maya pa ay nararamdaman ko na yung init ng araw. 

"Lika na, uwi na tayo. Umiinit na." Yaya ni Tita. 

Sinulit na namin yung huling araw namin dito. Nanuod kami ng parada, nanghuli ng salagubang, at nanungkit ng mga mangga sa puno.

Pagpatak ng 4pm na, naghanda na kami para umuwi. 

Bye fresh air, hello polluted air na naman kami. 

"Hmmmmmmmmmmm!" Pinuno ko na yung lungs ko ng fresh air at sumakay na ako sa van. 

Almost 1am na nang makarating kami sa Manila. 

Hinatid muna kami nila tito sa bahay namin bago sila umuwi.

"Bye tita Malou and Tito Paul! Bye Kuya Marvin! Bye Page!" Paalam ko. "Thank you po!". 

At bumaba na kami nila tita. 

Sila Tita Gene at baby Nica naman ay bumaba na din, kapitbahay lang namin sila db? 

"Bye baby!" And I give her a kiss. 

Pagpasok namin sa bahay dumiretso na kami ng tita ko sa kanya kanya namin kwarto. 

"Haaaaay! There's no place like home pa din." And before I sleep ginawa ko muna yung mga ritual ko sa gabi. 

----

Medyo late na ko nagising, at pagkagising na pagkagising ko nagbukas agad ako ng facebook. 

Nakita ko na may message sa akin si Jace. 

Jace Anthony Mendez: Okay ka lang? May sakit ka ba? Bakit hindi ka nag-oonline?

Shocks!!

Bakit bigla akong.. Natuwa? :">

Hindi ko namamalayan na napapangiti na kong mag-isa. 

Jace Anthony Mendez: Mavis!! Bakit ngayon ka lang nag-online? 

Biglang nagpop-up yung chatbox niya. 

"Ay, online pa rin pala siya."

*dug dug, dug dug.

Ito na naman yung pakiramdam ko na parang kinakabahan. Hindi ko na lang pinansin.

Mavis Rae Saavedra: Nagbakasyon kasi ako eh. Hindi ko na din nasabi sayo kasi biglaan  

Jace Anthony Mendez: Ahhh. Kala ko kung ano na nangyari sayo. Bigla ka na lang kasing walang paramdam. 

Mavis Rae Saavedra: Haha. Ito naman. Hindi naman ako sakitin Okay lang ako. 

Jace Anthony Mendez: Good to hear that. So, kamusta vacation mo? 

Mavis Rae Saavedra: Super saya! Haha. Gustung gusto ko kasing nasa probinsya. 

Jace Anthony Mendez: Buti naman nag-enjoy ka. Pero db parang boring sa probinsya? Walang magawa? 

Mavis Rae Saavedra: Boring ka ng boring. Hindi mo kasi ini-enjoy yung place kaya boring lagi. 

Jace Anthony Mendez: Paano ako mag-eenjoy? Wala naman kasama. 

Mavis Rae Saavedra: Kaya mahirap pag only child no? Wala kang makasama. Buti ako may kuya . 

Jace Anthony Mendez: Close na close kayo ng kuya mo talaga, nakakainggit. Sana may kapatid din ako.

Mavis Rae Saavedra: Pwede mo naman akong hiramin. Hahaha! Joke. 

Jace Anthony Mendez: Talaga? Sure? Jokes are half meant. Sige ha, hihiramin kita minsan. 

Ha? Hihiramin daw niya ako! 

Bakit ko pa kasi sinabi yun! Baka mapasubo ako. 

Nahihiya pa din ako sa kanya. Malakas lang loob kong makipagbiruan kasi chat lang naman to. 

Mavis Rae Saavedra: Oo na, sige na!

Yan na lang nasabi ko para matapos na.

Jace Anthony Mendez: Yun!! I'm really happy na friends na talaga tayo. Sana pagnagkita tayo walang magbago. 

Sana nga hindi na ko mahiya. Haaaay!

Mavis Rae Saavedra: Bakit naman may magbabago?

Jace Anthony Mendez: Kasi baka mahiya ka sa akin? 

Buti alam mo. 

Mavis Rae Saavedra: Haha. Hindi yan, promise! 

Sana nga. I'll try my very best talaga na huwag mahiya. Sabi nila masaya din daw ang magkaroon ng kaibigan na lalaki. Gusto kong maexperience 

Lumipas ulit ang dalawang linggo na magkachat kami. At 5 days na lang pasukan na. 

Jace Anthony Mendez: Out na ko ha. Aalis kami. Bye! 

*Offline

Mavis Rae Saavedra: Uyyy! Wait. 

"Ay, wala na siya. Hindi ko man lang natanong kung kelan siya uuwi." 

Hindi naman din niya nasabi sa akin. Basta daw mga June siya uuwi. Eh June na? Kelan kaya ngayon June? 

Late na din, matutulog na nga ako. Tatanong ko na lang siya bukas. 

Paggising ko, as usual nag-online agad ako. Pero hindi online si Jace. 

"Siya naman yung hindi online. Hmp!" 

Niyaya ko na lang sila Aya na umalis. Pumunta kami sa mall, at nanuod ng sine. Susulitin na namin yung mga natitirang araw ng bakasyon. 

Wala silang alam na magkachat kami ni Jace. Ayaw kong ipaalam kasi baka asarin nila ako. Malalakas kasi silang mang-asar eh. 

At alam kong hindi nila papaniwalaan na friends na kami ni Jace at friends lang talaga kami. Iba iisipin nila, for sure! Echosera yung mga yun. 

After magmalling, diretso agad kami sa bahay nila Sandra. Nagkaraoke naman kami, our favorite pastime. 

"Whoooo! Galing kumanta ni Jasmine!" Sabi ni Sandra. Kahit hindi naman.

"HAHAHAHA!" Tawanan kaming lahat. 

"Hala! Late na pala. 10pm na oh!" Sigaw ni Aya. 

"Shocks! Oo nga. Halika na uwi na tayo!" - Maddy

"Bye Sandra! Ikaw nang bahala dian. Haha!" Sigaw namin. 

Pagdating ko sa bahay, si kuya na lang nakita ko sa sala. Gamit niya yung laptop niya. 

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Kuya. 

"Ah. Eh. Nagkaraoke kasi kami." 

"Umakyat ka na sa kwarto mo." Good mood, hindi ako pinagalitan. 

"Okay, good night kuya!" At umakyat na ko sa taas. 

Handa na kong matulog nang biglang nagring yung cellphone ko..

"Number lang. Sino kaya to?" Sasagutin ko ba? Baka prank call?

Sagutin ko na nga. 

"Hello?"

"Mavis."

Boses ng lalaki!! Sino kaya to? 

"Sino to?"

"I'm back!"

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon