(Sandra's POV)
"Thank you talaga at sasamahan mo ko sa SM."
Papunta kami ni Mavis ngayon sa SM kasi may kailangan akong bilhin para sa classroom namin. Ako kasi yung na-elect na president sa section namin (_ _)
At si Mavis naman sa section nila.
"May bibilhin din naman ako. Nakakainis kasi sila Aya sabi ko ayaw kong maging president eh."
Kaming dalawa lang ang magkasama kasi daw may gagawin pa sila.
"Ano ba bibilhin mo?"
"Cartolina, glue, at kung anu-ano pa para sa bulletin board namin. Ikaw ba?"
"Ganun din. Grabe! May quiz pa kami and assignments para bukas. Imbis na makakagawa na ko, nandito ako ngayon papuntang mall."
Nakarating na kami ng mall at syempre, hindi agad kami pumunta ng National para bumili ng mga kailangan namin.
Naglaro muna kami saglit sa Timezone pagkatapos naglibot naman kami sa department store.
"Bagay sayo to Sandra."
Inabot sa akin ni Mavis yung color yellow na dress.
"Halika, susukat ko."
Bagay nga sa akin dahil maputi ako. Half-chinese kasi ako.
"Oh ano? Bibilhin mo?" Sabi ni Mavis pagkalabas ko ng fitting room.
"Yap. Ikaw? Wala ka bang bibilhin?"
"Wala akong makitang maganda eh."
"Tara, maghanap tayo."
After 30 minutes nakahanap na kami ng damit.
"Nagutom ako sa paghahanap. Tara kain muna tayo tapos bili na tayo ng mga kailangan para sa classroom."
Pumayag na ko kasi nagugutom na din naman ako. Sa food court kami pumunta para mas maraming chooses.
Naghahanap kami ng upuan ni Mavis ng makita ko isa sa mga classmates ko.
"Stacy!"
"Ohh! Nandito ka din pala."
"Sino kasama mo? Si Mavis nga pala. Mavs, si Stacy."
"Hi!" Bati ni Mavis.
"Hello! .. Anong ginagawa niyo dito?"
"May bibilhin lang para sa classroom natin? Ikaw? May date ka no? Haha."
"Date ka dian. Kung date ngang matatawag to."
"So lalaki kasama mo ha!"
"Haha! Loka. Ayan na kasama ko." Sabay turo sa likod namin.
Sabay kaming lumingon ni Mavis para makita kung sino kasama niya.
JACE!
"Jace! Classmate ko si Sandra. And friend niya si Mavis."
O.O -- Kaming tatlo.
"Magkakakilala ba kayo? Bakit ganyan reaksyon niyo?"
"Ahm." - Ako.
"..." - Mavis.
"Oo." Si Jace na ang sumagot para sa aming tatlo.
"Yun naman pala! Teka, kakain din ba kayo?"
"Ahh. Oo. Oo."
Naramdaman kong siniko ako ni Mavis.
Nakuha ko naman kung anong gusto niyang sabihin.
"Sige ha. Alis na kami. Hahanap pa kami ng upuan."
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!