"Mamaya na yung election ng class officers. Sino kaya magiging president natin?" Sabi ni Aya.
Dalawang linggo na ang lumipas nang magsimula yung klase. Dalawang linggo na din ang lumipas na lagi kaming magkatext o 'di kaya magkausap ni Jace sa cellphone.
"Ikaw! Hahaha. Boboto kita." Sabi ko kay Aya.
"Bakit ako?! Mavs naman. Bakit hindi na lang ikaw?"
"Tama tama! Si Mavis na lang. At least kaibigan natin yung president! Bongga." Singit ni Jas.
"Ayoko! Mahirap."
Aya: "Mahirap ka dian? Madali lang yun. President lang naman ng classroom. Hindi president ng student council."
"Basta ayoko. Asan si Cait?"
"Ayun oh. Nakadungaw, hinahanap boyfriend niya."
Lunch break namin. Nasa corridor lang kami nakaupo at hinihintay yung teacher naming dumating. Nasa kanya kasi yung susi ng classroom.
Tuwing recess at lunch break sinu-surrender yung susi ng classroom sa office at yung next teacher lang pwedeng kumuha. Pwedeng kumain sa mga classroom pero dapat after 20 minutes kailangan isarado at bawal ng pumasok.
Hindi ko alam kung para saan yung policy na yun. Minsan tuloy ang sikip sikip sa corridor at ang init init pa.
Isa lang din ito sa ilang mga pagkakataon na pwede mong masilayan yung crush mo, kasi kahit hiwalay naman yung building ng boys and girls, eh halos magkatabi lang naman din. Isang malawak na grounds lang yung nakapagitan sa dalawang building kung saan pumipila yung boys during flag ceremony.
Yung corridor namin katapat yung mga bintana ng classroom ng mga boys. Kung malinaw mata yung mga mata mo, makikita mo talaga yung crush mo na nakaupo at nakikinig sa teacher. Makikita mo din kung sino yung mga pasimpleng tumitingin sa bintana para makita din nila yung mga crush nila.
Aya: "Cait!! Si Mavis president natin!" .
"Oh sure!" Sagot ni Cait na hindi lumilingon sa amin.
Aya: "Ano ba? Hindi ka pa ba tapos sa kakatingin kay Carlo?"
Lumapit na kami sa railings at nakidungaw na din.
Jas: "Asan ba dian yung classroom nila?"
"Yung may color blue na kurtina. 3rd floor din."
Ayun!
Nakita ko si Carlo na palingon lingon sa bintana.
Para namang hindi sila magkikita. Miss na miss naman agad nila yung isa't isa.
May hinahanap pa yung mata ko kaya hindi ko magawang ialis yung tingin ko sa classroom nila.
Saan kaya siya nakaupo?
Biglang may lumitaw na ulo sa gilid ni Carlo at tumingin sa direksyon namin.
Hindi ko masyadong makita kung sino kaya siningkitan ko yung mata ko.
(~.~)
(O . O)
>/////<
Si Jace!
Si Jace pala yun!
Aya: "Si Jace ba yung isa pang nakatingin dito?"
Cait: "Yap!"
Jas: "Yiee! Tinitignan ka niya Mavs. Haba ng hair mo te!"
"Paano niyo naman nasabi na ako tinitignan niyan?"
BINABASA MO ANG
Who's the one for me: Past, present or future?
RomanceAno nga ba ang susundin mo? Puso or isip? Anong pipiliin mo? Past or present? Pero teka, bakit parang may gustong maki-Future?!