Chapter 4: Wish

85 4 2
                                    

(Mavis POV)

"Mavis Rae, sama ka sa probinsya?" Tanong sa akin ng tita ko. Kadadating lang niya galing sa work. 

Siya lang yung nag-iisang tumatawag sa akin ng buo kong pangalan. Sa kanya din ako minsan nagsasabi ng mga bagay na hindi ko masabi kay mama.

Sa amin siya nakatira. Wala naman kasi siyang asawa, medyo matanda na siya. Nasa early forties na ata siya. Naiisip ko nga minsan kung mag-aasawa pa ba siya.

"Ilang araw tayo dun?" 

"3 days lang. Fiesta kasi dun. Kasama natin sila Tita Malou mo pati iba mong pinsan." 

"Woooow! Sure. Sasama ako." Tagal ko na ding hindi nakakauwi sa probinsya namin. Kasama pa mga pinsan ko. 

"Bukas na alis natin ng umaga." 

"Bukas agad?!" Bilis naman. 

"Oo, nakakalimutan ko kasing sabihin sayo tapos ngayon lang din ako nakauwi ng maaga." Paliwanag ni tita. 

"Sige sige. Mag-iimpake na nga ako. Haha!" 

"Paalam ka muna sa mama mo. Baka pagalitan ka." Paalala ni tita sa akin.

"Okay. Pagdating niya, wala pa siya eh. " Excited na ko! 

Grade school pa kasi ako nung huling punta ko dun.

Hindi ko na din masyadong maalala yung place. Konti lang natatandaan ko. Ang alam ko nga walang nakatira sa bahay namin dun.

Kung ako tatanungin mas gusto kong tumira sa probinsya. I really love to live in a place na maraming puno. 

Ewan ko ba kung bakit, hindi naman ako unggoy pero ang sarap talaga ng feeling ko pagnapapaligiran ako ng mga puno.

Nagpunta na ko sa kwarto ko para ayusin na yung mga damit na dadalhin ko. Tatlong araw lang naman kami so, konting damit lang dadalhin ko. 

"Mavs, nandito na si Mama. Kakain na din." Kumatok si kuya sa kwarto ko. 

"Okay. Susunod na ko." 

Habang kumakain nagsabi na ko kay mama na sasama ako kay tita sa probinsya. Pumayag naman siya agad. Nagulat ako kahit pumayag siya, kasi minsan pahirapan magpaalam sa kanya. 

Hindi na ko nagcomment baka kasi bawiin. =)) 

Pagtapos kumain, naligo ako para matutulog na agad ako. Hindi ako nakakatulog paghindi ako naliligo sa gabi.

Kailangan kong matulog ng maaga kasi sabi ng tita ko, 4am kami aalis para daw lunch time nandun na kami. 

--------------------

"Mavis, gising na." 

"Hmmmm." Sabay mulat ko ng mata ko. Ginigising pala ako ni tita. Hindi ko narinig yung alarm ko. 

Naligo, nagbihis, at umalis na kami. Hindi na ko nakapagpaalam kila mama. Maaga pa kasi. Tulog pa sila. Text ko na lang sila mamaya. 

Nang nakasakay na kami sa sasakyan, hindi ko maiwasang mapangiti. Kung pwede lang lumipad papunta dun ginawa ko na. 

Gustung gustung gusto ko na talaga pumunta dun. Sorry naman, kung paulit-ulit ako. Hahaha! Eh kasi gusto ko talaga. 

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Yung mga pinsan ko nagkukwentuhan naman.

Wala akong balak sumali, wala ako sa mood magsalita. 

May narinig akong umiyak. Paglingon ko nakita kong gising na yung pamangkin ko. Napangiti ako at kinuha siya. 

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon