Chapter 18: Dahil sa isang message, nasira ang lahat..

94 3 0
                                    

(Jasmine's POV)

"Uyyyy! Si Jace yan no?" Kanina pa kasi text ng text tong si Mavis. "Ano na ba status niyo? Dating na ba?" 

"Hindi no! Nakita mo ba kami na nagdate?" Namumulang sagot niya.

"Eh ano pala te? Masyado ka kasing malihim. Ayaw pang ikwento sa aming lahat!" 

Sandra & Caitlyn: "Oo nga!"

Aya: "Truelalu friend!"

Maddy: "Baklang bakla ka te! Hahaha."

"Wala nga, magsasabi naman ako kung merong something sa aming dalawa pero ngayon wala talaga."

"Eh bakit katext mo?" 

"Masamang itext siya? Tsaka siya kaya unang nagtetext sa akin."

"Paano kasi pakipot pa. Wag ganun, friend. Wala ka ng mahahanap na katulad ni papa Jace. Matangkad, maputi, mabait, sweet, thoughtful, varsity player, matalino din naman siya, at higit sa lahat may dimples pa! Hindi ba bet na bet mo yung may dimples? Kung ako yan, sinunggaban ko na yan! Hahaha!"

Caitlyn: "Ang landi mo Jas! Kay Mavis nagkagusto hindi sayo. Tanggapin mo na. Hahahaha!"

"Tanggap ko na kahit masakit." Sabay hawak ko sa dibdib ko para sa drama effect.

"Nandito na tayo." Sabi ng kuya ni Aya. Lahat kami dumungaw sa bintana para tignan yung view.

Ako: "WOOOOOOOW!! ANG GANDA!!" *O*

Sandra: "ANG GANDA NG DAGAT!! ANG LAKAS NG ALON OH!"

Maddy: "MAY JETSKI PA!!" ^__________^

Caitlyn: "OMG. BUTI NA LANG SUMAMA TAYO DITO!"

Aya: "SWIMMING NA!!!"

Mavis: "...." 

Tanging si Mavis lang ang walang reaksyon sa aming lahat. Kinalabit ko sila Maddy at tinuro siya na busy pa din sa pagtetext.

Aya, Sandra, Maddy, Cait & ako: "HOOOOOOOOOOOOY!" 

"Ayyyy, putong inasinan. Ano ba!! Nakakagulat naman kayo eh!! Nabitawan ko tuloy yung cellphone ko!" 

Maddy: "Nandito na kasi tayo text ka pa dian!" 

Mavis: "Sorry naman. Ito na nga.." *blink blink* "WOOOOW! ANG GANDA NAMAN!!"

Aya: "Huli ka na sa balita. Kanina pa namin nakita."

Nagpout lang si Mavis. Hilig talaga niya mag-pout, buti bagay sa kanya hindi katulad ng iba ang sarap hambalusin ng mukha =__=

"Tama na yan, bumaba na kayo. Dalhin niyo na yung gamit niyo." Sabi ni Tita.

"Opo!" 

Dali dali kaming bumaba at pumunta sa reception at pagkatapos pumunta na kami sa kwarto. Kaming magkakaibigan magkakasama sa iisang kwarto. Apat yung kama at malalaki kaya kasya kami. 

"Waaah. Gutom na ko! Hindi pa ko nagbreakfast." T^T

Mavis: "Ako din, Jas! Wait nga, ihing ihi na din ako!" Binagsak lang ni Mavis yung bag niya sa kama pati cellphone niya at kumaripas ng takbo papuntang banyo.

"Uyy, guys. Cellphone ni Mavis oh. Halika kalikutin natin. Mwahahaha! Tignan natin kung anongg milagro na ang ginagawa nila ni Jace." Nagkumpulan kami at hawak hawak ko yung cellphone. Nagbabasa na kami ng mga message ni Jace.

From: Jace Mendez

Syempre hahanapin kita. Kahit saan ka pa mawala, hahanapin kita.

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon