Chapter 13: The sweet guy, Jace Anthony Mendez!

62 2 0
                                    

"Upo ka muna dian. Kukuha lang kita ng food." At pumunta na si Mavis sa kusina. Nilibot ko yung tingin ko sa bahay nila. Simple lang pero may touch of class. Nakita ko yung picture frame na nakapatong sa side table, napangiti ako. Si Mavis at kuya niya yung nasa picture. Nakaakbay yung kuya niya sa kanya at siya naman nakayakap. 

"Prinsesa nga siya ng kuya niya."

Tumayo ako, ang dami nilang picture na nakadisplay. Isa isa kong tinignan. May picture nung baby pa siya. Meron kasama niya yung mama at papa niya. Meron siya lang mag-isa nung medyo bata pa at..

"Sino tong kasama niya?" May nakita akong picture na medyo nasa gilid. Kinuha ko at tinignan. 

Dalawang bata yung nasa picture, sigurado ako na yung babae si Mavis pero sino yung lalaki? Pangkasal yung suot nila pareho. Parang bride si Mavis at groom yung lalaki. Nakakapit si Mavis sa left hand ng lalaki at yung lalaki naman nakangiti habang nakatingin kay Mavis.

"Hindi naman niya kuya to. Baka pinsan kaya?" 

"Hijo, pasensya na kung matagal." Napatingin ako kung sino. All white yung damit at medyo matanda na. Siguro katulong nila. "Yaya Sela nga pala pangalan ko, yaya ako ni Mavis. Magbibihis lang daw siya. Oh siya, kumain ka na."

"Salamat po. Pwede po magtanong?"

"Ay sus, yun lang naman pala. Ano ba yun?"

"Sino po itong kasama ni Mavis sa picture?" Pinakita ko yung hawak kong picture.

"Ah yan ba? Si Keith yan."

Keith? 

Siya ba yung iniyakan ni Mavis nung tumawag ako pagkauwi ko galing L.A.?

"Kababata ni Mavis yan. Siguro matanda lang sa inyo yan ng isang taon pero pareho lang kayong nasa 4th year high school. Sabay silang lumaki at mag best friend silang dalawa. Halos ayaw ngang maghiwalay niyang dalawang yan. Parang kambal tuko ba. Kung nasaan yung isa, nandun din dapat yung isa. Si Keith lang yung nakakapagpatigil kay Mavis pag umiiyak. Iyakin kasi si Mavis nung bata pa. Buti nga hindi na ngayon."

"Eh nasaan na po yung Keith ngayon?"

"Nasa Amerika na. Matagal na siyang umalis, pagkagraduate nila ng elementary umalis na si Keith. Ay nakoo, hijo. Grabe yung epekto nun kay Mavis. Iyak ng iyak, at hindi nagkakakain. Naospital pa nga yan. Pero nung nakausap niya si Keith sa telepono, bumalik siya sa dati. Tumigil siya sa pag-iyak at sumigla." 

"Ngayon po ba nag-uusap pa din sila?"

Napansin kong lumungkot yung mukha ni Yaya Sela, "Naku, hindi na." 

"Bakit po?"

"Kasi hindi na ulit.."

"Jace! Tara na?" Naputol yung sinasabi ni Yaya dahil biglang sumulpot si Mavis na pababa sa hagdan.

"Bakit hindi kita nakitang umakyat?" Kahit anong suotin niya ang cute niya pa din. Lalo na pagnakangiti. Parehas kaming may dimple pero sa kanya mas lubog. 

"Busy ka kasi kakatingin sa mga picture."

"Iyakin ka pala dati ha! Hahaha."

"Ya naman! Bakit mo sinabi sa kanya yun?!" Natawa kami ni yaya sa reaksyon ni Mavis.

"Itong batang to, masyadong mahiyain. Nagtanong kasi siya. Tinanong nga din niya si Keith." Nakita ko na nag-iba expression ng mukha niya, biglang lumungkot.

"Ganun ba siya kahalaga sayo, Mavis?"

"Ahh, ganun ba? Sige ya, alis na kami ha. Pumayag naman na si kuya."

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon