Chapter 19: Pagkatapos nito babalikan kita, promise

70 5 1
                                    

(Jace' POV)

"Salamat sa pagsama sa akin sa panunuod ng sine and syempre sa libre. Hahaha!" 

"Utang yun! Libre ka dian. Nakakarami ka na ah." Nasa gate na kami ng bahay nila Stacy, hinatid ko na siya dahil gabi na baka may mangyari sa kanyang masama, kasalanan ko pa yun.

"Grabe naman yan! Edi babayaran ko din yan sa takdang panahon. Maghintay ka lang."

"Kahit wag na. Mabait naman ako, hindi ka na naman iba sa akin. Pumasok ka na." 

"Mamaya na, may last request pa ko sayo."

"Anong kalokohan na naman yan? Hindi ba pwedeng bukas? Isa isa lang naman."

"Madali lang naman to. Bilis na, pumayag ka na. Please. Please. Please." Naalala ko na ganyan siya nung kami pa pag meron siyang gustong ipagawa sa akin. 

"Ano ba kasi yun?" At ito ako hindi ko matiis. May pinagsamahan din naman kami kahit papaano.

"Picture muna tayo bago ka umalis. Dali na!" Sabay tabi sa akin at nilabas yung cellphone niya. 

"Bakit may picture pa? Kailangan ba talaga yan?" 

"Yeap! Remembrance ko kasi sinamahan mo kong manuod ng sine. Haha!"

"Osige na, bilisan mo na." Medyo ngumiti lang ako ng konti at biglang..

*Smooooooooch

"Good night Jace!" Sabay sara ng gate nila.

1.. 2.. 3.. Now loading.. 

O___O!

"Teka! Bakit mo ko--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi nakapasok na siya sa loob ng bahay nila. Ilang minuto na ang lumipas nakatayo pa din ako sa tapat ng bahay nila. Hindi pa din ako makareact sa ginawa ni Stacy. Kinakabahan ako baka bigla niyang i-upload sa facebook at makita ni Mavis.

"Sana naman hindi ilagay ni Stace." Itetext ko na nga lang si Mavis hindi pa din nagrereply kasi.

To: Mavis Rae ko

Namimiss na kita  Tagal mo namang magreply pero maghihintay pa din ako sa reply mo.

Natatawa ako sa sarili ko. Baduy ko amputek! Tae, tinamaan talaga ako dun sa babaeng yun. Ewan ko ba. Yung pagiging masungit niya sa akin nung una kaming magkita dun ko siya unang nagustuhan, tapos biglang nakita ko siyang tumatawa nung napadaan ako sa classroom nila. Best moment yun, dude! Baduy na kung baduy, nakakaakit siyang tignan. Naisip ko nun na siya yung tao na pagpinasaya mo, makikita mo talaga sa kanya na nasiyahan siya. Kitang kita sa mukha niya 

"Ang gago ko. Tama na nga! Nilalabas ko pa kabaduyan ko. Tsk tsk."

Nakarating na ako sa bahay pero wala pa din akong natatanggap na reply, hindi ko na din namalayan na nakatulog na pala ako..

Nakita ko si Mavis na naglalakad papasok ng school. Tumakbo ako para maabutan ko siya, "Mavis! Sandali! Mavis!" Para siyang walang naririnig kasi hindi niya ako nililingon pero hinabol ko pa din siya. Takbo lang ako ng takbo. Napagod na ko't lahat lahat pero hindi ko pa din siya mahabol. Naglalakad lang naman siya tapos ako naman tumatakbo. Bakit ganun?

"Mavisssssss! Mavissssssss!"

Ang lakas na nang sigaw at parang tinatambol na yung dibdib ko sa sobrang kaba, isama mo pa yung hingal ko sa pagtakbo. Hindi niya ba ko marinig o talagang sinasadya niya lang na hindi ako pansinin? Galit ba siya sa akin? Wala naman akong ginagawa, okay naman kami. "Mavis Rae Saavedra!" Wala pa din! Ano?! Ano pa ba dapat kong isigaw para lumingon siya?! 

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon