Chapter 3: Chatmate

108 2 0
                                    

"May na!" Haaaaaaay.

Ilang araw na din yung lumipas nung nag-sleepover kami kila Sandra. 

Isang buwan na lang pasukan na naman. 4th year na kami! Ang bilis! Parang kelan lang 1st year high school lang ako. Kami.

Iiwan ko na ang school kong mahal. 12 years ko din naging school yun. Dami kong memories dun eh. Hindi ko kayang iwan!! Pero kailangan. 

Drama. Ganito talaga ako pagbored. Kung anu-ano pumapasok sa isip ko. Boring pa din kasi ng summer ko.

At ngayon nga ang aga kong nagising. 8am palang. 

Facebook nga muna ako. 

"Walang masyadong online ah." Mga 45 lang online sa chat ko. Tulog pa yung mga tao, summer eh. 

Habang tinitignan ko kung sino yung mga online. Nakita yung name na..

Jace Anthony Mendez.


"Ay, friend ko pala to. Haha!"

Sa facebook lang kami friends. Hindi sa totoong buhay.


Pinakilala siya sa amin nung araw na nagbirthday si Caitlyn. Si Caitlyn din mismo nagpakilala sa amin.


*Flashback


Habang nakaupo kaming magbabarkada sa garden nila. Nakita ko si Cait na may kasamang dalawang lalaki. Papunta sila sa direction namin.


"Guys! Ito nga pala yung boyfriend ko si Carlo and bestfriend niya si Jace." Alam ko schoolmate namin sila. Same year din.


"Cute nung Jace." Bulong ni Jas. 


No comment. 


Isa isa kaming pinakilala at nung ako na.


"Siya naman si Mavis."

Ako lang hindi bumati, nagsmile lang ako. Yung ngiting napipilitan.



*End of flashback

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon