Chapter 15: Ang lalaking hukluban

108 4 2
                                    

(Aya's POV)

"Ano ba naman, bakit puno lahat ng jeep! Uwing uwi na ko eh!" (_ _ ")

30 minutes na kong nakatayo dito at naghihintay pero hindi pa din ako nakakasakay. Napasobra kasi yung kwentuhan namin sa Mcdo. 

"Feeling ko ako na lang yung hindi pa nakakauwi." Magtaxi na lang kaya ako? Sayang naman kasi sa pera yun eh. Ah basta, another 15 minutes pa, kung wala talagang jeep taxi na lang sasakyan ko. 

5 minutes.. 

Wala pa ding masakyan T.T

May dalawang lalaking dumating at tumigil malapit sa akin. Mga 1 meter away siguro sa akin. Base sa uniform nila, sa school lang na malapit sa amin sila nag-aaral.

"Dre, grabe naman yung stalker mo. Sugar mommy na ata! Hahaha."

"Sira! Nababanas na nga ako eh. Puro basura na lang yung nadadatnan ko sa locker ko."

Stalker? 

Mga gwapo lang naman may stalker db? So gwapo tong katabi ko? Kyaaaaaaah. Matignan nga.. 

"Ano ba yan bakit kasi nakalimutan kong magsuot ng contact lens." Hindi ko maaninag yung mukha.

Lapit pa nga ako ng konti.

*Mini step. Mini step. Mini step. Mini step.

Hindi ko pa din makita. Konti pa.

*Mini step. Mini step. Mini step. Mini step.

"Hey miss! Natatapakan mo na yung paa ko."

"Ay, kalabaw! Sorry."

*O* 

"Minimikaniko ni Monico ang makina ng minika ni Monica!!" 

"Ha? Okay ka lang Miss? Anong pinagsasasabi mo dian?"

"Hahahaha. Baliw ata yan, Renz." Sabi nung kasama ni cutiepie.

At teka? Sino ang tinatawag niyang baliw?!

Tinignan ko ng masama yung nagsalita, "Ehem. Me? Crazy? Of course not! At bakit naman ako naging baliw?" 

"Bigla ka na lang kasi nagta-tongue twister. Oh db? Baliw yun?"

"HOY! MAS MUKHA KANG BALIW SA AKIN!" Yabang nitong hukluban na to. Baliw daw ako? Ang cute cute ko tapos sasabihin niya ako ng baliw?!

"MAS MUKHA KANG BALIW! TIGNAN MO NGA YANG ITSURA MO!"

"ANONG PROBLEMA SA MUKHA KO?!"

"PANGIT!!" 

Waaaaaaaaaaah! Pangit daw ako! Pangit daw ako! Baby face nga ako eh! T^T

"MAS PANGIT KA!" First time kong makipag-away tapos sa hindi ko pa kilala at lalaki pa! 

Nakalimutan ko na si cutiepie dahil busy ako sa pagsigaw dun sa kasama niyang lalaki. Kala niya ah, hindi ko siya uurungan! Small but terrible ata to. 

"OH TALAGA? TIGNAN MO NGA AKONG MABUTI KUNG PANGIT AKO?"

*Stare

>/////<

"PA.. PANGIT KA!" Nauutal ko pang sabi. 

"BULAG! WALA KANG MATA!" Paano hindi naman talaga siya pangit. Pero kahit na! Inaaway niya ako! 

"ABA'T! BAKIT MO KO SINISIGAWAN? CLOSE TAYO?"

"IKAW NAUNA DIAN! GINAYA LANG KITA!"

"EH GAYA GAYA KA PALA EH!"

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon