Chapter 21: Fieldtrip

66 2 1
                                    

(Mavis' POV)

Aya: "Waaah. Excited na ko! Ang tagal naman makarating sa Enchanted! Kanina pa tayo dito sa bus ah."

"Malayo naman kasi yun! Anong gusto mo? Lumipad tayo? Matulog ka na lang dian or ito, kainin mo na yan. Baka kulang pa sayo." Sabay bato ko ng chips ko sa kanya. Papunta na kaming Enchanted ngayon at katabi ko siya sa bus. Sila Jasmine and Cait nakaupo sa likod namin.

Aya: "Talaga? Akin na to? Thanks Mavs!" Tumayo siya para alukin sila Jasmine at Cait sa likod at sinimulan na nilang kainin yung pagkain ko. Hindi man lang ako nagawang alukin ng babaeng to. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kakaisip, nagising na lang ako nang kalabitin ako ni Aya dahil bababa na daw kami. Kinuha na namin yung bag namin at bumaba na kami ng bus. Naghihintay na pala sa amin sila Sandra and Maddy kasama si Carlo, Jace pati na din si bruha. Si Stacy.

Pagkababa ko nang bus napahikab ako, grabe! Ilang oras lang ba ako natulog? 4 hours lang ata. Hindi kasi ako makatulog dahil sa nangyari. Pagkahikab ko napatingin ako kay Jace dahil sabay pa talaga kaming humikab. "Hindi ka ba nakatulog kagabi?" Narinig kong tanong ni Stacy kay Jace.

Maddy: "Oh? Hindi ka ba nakatulog kagabi? May panis na laway ka pa oh." At nagtawanan silang lahat.

"Hoooy! Wala ah. Kapal! Halika na nga. Ako na naman nakita niyo." Pumila na kami sa entrance and let the happiness begin!

First stop: Bumpcar.

Maddy: "Hindi ako marunong niyan! Wag na lang tayo dian."

Sandra: "Dito na muna! Sakay ka na lang sa akin tapos ako magdadrive." Lahat kami kanya kanya ng sasakyan maliban kay Maddy na umangkas kay Sandra, at si Stacy na umangkas naman kay Jace. Napataas na lang yung kilay ko sa nakita ko.

Nagsimula nang umandar yung bumpcar. Banggaan dito, banggaan doon. Si Aya yung pinakakawawa sa amin kasi siya yung binabangga namin. Nagdadrive akong palayo dahil nagkukumpulan na sila sa gitna nang biglang may bumangga sa likod ko. Nilingon ko kung sino sa kanila. Nakangiting Jace at nakasimangot na Stacy ang nalingunan ko. Binangga ulit ako ni Jace at lumayo agad sila.

Loko yun ah. Lagot sa akin yun! Hinanap ko sila at nung nakita ko. Binangga ko sila na sobrang lakas ng impact at dali dali akong lumayo. Natatawa ako kasi parehas silang nagulat, nilingon ako ni Jace at hinabol na naman niya ako. Hindi ko namalayan na kami na palang dalawa ni Jace yung naghahabulan hanggang matapos yung time namin.

Pagkaalis namin bumulong si Sandra sa akin, "Ayiee. Muling ibalik ba friend?" Nginitian ko na lang siya.

2nd stop: Swan lake.

Cait: "Aya! Tayong dalawa partner ha, tapos si Maddy and Sandra, Cait and Carlo, Jace and Stacy. Ay, Mavs! Wala kang partner! Paano yan?"

"Ang bait niyong kaibigan ha. Sige na, hindi na ko sasakay. Masakit yan sa legs. Okay lang, kayo na lang. I will wait for you, guys." Ayoko naman talaga kasing sumakay dun. Boring!

Jace: "Sure ka? Gusto mo ako na lang yung hindi sumakay tapos ipapartner ko na lang si Carlo kay Stace."

Napangiti ako. Thoughtful kasi! "Hindi, okay lang. Hintayin ko na lang kayo dito. Sige na, pila na kayo." Mga kontng pilit pa napapayag ko na din sila. Kasi naman, hindi naman big deal yun. Nung sila nang lahat yung nakasakay, ako naman yung tiga-picture sa kanila.

Aya: "Mavs! Picture!"

Click. Click. Click. Click. Lahat sila kinukunan ko nang stolen picture, mamaya tinawag na sila. Tinigil ko na yung pagkuha ko at tinignan ko isa isa yung mga pictures. Tawa ako ng tawa sa mga picture nila lalo na stolen. Watta face kasi! Yung picture na nila Jace yung tinignan ko, napansin ko na nakatingin siya sa akin kahit medyo malayo at nakatalikod sila sa akin. Tinignan ko pa lahat ng picture at guess what? Lahat nang picture nakatingin si Jace sa akin. Sa akin nga ba? Assuming. Pero napangiti ako sa nasa isip ko.

Sandra: "Mavis!! Ano nginingiti mo dian? Nababaliw ka na naman ah." Nasa tabi ko na pala sila.

"Mga stolen picture niyo kasi eh! Nakakatawa. Pagod na pagod kayong tignan."

Jas: "Tingin! Baka pangit ako dian ah! Lagot ka sa akin." Habang naglalakad, tinitignan nila yung picture. 

3rd stop: Realto.

Cait: "Uyy, medyo konti pila dito ah. Swerte!"

Carlo: "Swerte ka dian. Ang sabihin mo takot sayo mga tao kaya ayaw nila dito. A-araaaaay!" Nakatikim tuloy nang kurot. Swerte ng kaibigan ko, nakahanap ng Carlo. Ako kaya? Napatingin ako kay Jace, at yan na naman siya. Nakatingin din sa akin. May dumi ba ko sa mukha? Kanina pa yan ah.

Hindi din nagtagal kami na agad yung papasok sa theater house. Enjoy na enjoy ko yung upuan na gumagalaw tapos ang lamig pa. Pagkatapos namin sumakay pa kami ng isa pa bago kumain. 

4th stop: Carousel

Aya: "Ay, ano ba yan! Pangbata!" May papadyak padyak pa siya ng paa niya.

Maddy: "Bakit? Bagay kaya sayo to! Mukha ka kasing bata. Bata, bata, anong grade mo na? HAHA!" 

Aya: "Leshe kayo ah. At least cute ako! Eh kayo? Gurang!"

Ako, Maddy, Cait, Sandra & Jas: "WEEEEEEEEEEEEH? HAHAHAHAHA!" Nabaliw na naman kaming lahat. Isa isa kaming kabayong sinakyan pero may isang tao akong hinahanap. Saan kaya sumakay yun? Si Stacy nakita kong mag-isa sa may bandang likod. Asan baby ko? Hoooy. Shh lang kayo ah! Kayo lang may alam na tinawag kong baby si Jace! 

"Lingon ka  ng lingon. Sige ka, mababali leeg mo niyan." Agad akong napatingin sa left side ko. Katabi ko naman pala siya! "Oh? Bakit ganyan mukha mo? Mukha ba kong multo? Haha!" 

Shet. Wag kang tumawa, please! Naiinlove ako lalo sa dimples mo. "W-wala. B-bakit nandito ka? Kawawa naman si Stacy." Tama ba yung sinabi ko? Si Stacy? Inaalala ko?

Jace: "Bakit? Ayaw mo ba kong katabi? Galit ka pa din ba sa akin? Nag-usap na naman tayo kagabi hindi ba?"

Paano ko makakalimutan yung kagabi! That was the best night of my life kaya! "H-hindi naman ako galit sayo." Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at tumingin ako sa harap. "Naiintindihan ko naman. Naiintindihan ko na naman. Naaawa lang ako kay Stacy kasi baka ma-out of place siya sa amin kaya kita tinatanong kung bakit mo siya iniwan."

Jace: "Gusto ko naman ikaw yung makasama ko." 

Jace.. ako din naman eh. Pero may sagabal lang talaga. Hindi naman pwedeng dalawa kaming makihati sayo db? Alam ko naman na nag-usap na tayo kagabi at wala na lang siya sayo pero gusto ko ako lang. Selfish ba? Pero gusto ko, ako lang talaga. Pero promise, gumawa ka lang nang isang bagay na nagpapakita na ako yung pinipili mo. Sige, lalaban na ko para makuha kita.  Yan lang naman yung gusto kong sabihin sa kanya ngayon pero nginitian ko na lang siya. Ayokong masira mood namin dalawa kasi kahit papaano kinikilig ako sa sinasabi niya.

Natapos yung pagsakay namin sa carousel. Pumunta agad kami sa kainan para kumain ng lunch. 

Maddy: "Gutom na gutom na ko! Ano pwedeng makain dito? Una na ko ha. Kayo ba walang ipapabili? Isahan na lang para mabilis."

Aya: "Ako na lang bibili sa akin."

Jasmine: "Me too. Ako na lang bahala."

Cait: "Kami din ni Carlo. Kami na lang bibili ng sa amin."

Sandra: "Ako, sasama ako sayo Maddy. Jace, Stacy at ikaw Mavis? Paano kayo?"

Stacy: "Si Jace nang bahala sa akin. Okay lang ako." Nakita kong napasimangot yung mga kaibigan ko. HAHA! Ang sasama ng ugali. Maldita!

Maddy: "Eh paano ka Mavs?" Lahat sila nakatingin sa akin. Ako na lang pala walang plano. Ibubuka ko na sana yung bibig ko para sumagot nang biglang may nagsalita.

"Ako na bibili nang pagkain niya. Sige na, bumili na kayo nang lunch niyo." Sabay sabay kaming napatingin kay Jace na ngayon nakatalikod na sa amin at naglalakad na palayo pagkatapos napatingin din ako sa mga kaibigan ko. Lahat sila nakangiti na nang-aasar! 

Maddy: "Oh si Jace na daw bahala sa kanya ah. Tara na guys. Diyan lang kayo." Shock pa din ako kaya hindi ko narealize na kami na lang pala ni Stacy yung natira sa table namin. 

Stacy: "Nandito ako pero nilalandi mo yung boyfriend ko." Malamig na sabi niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who's the one for me: Past, present or future?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon