Tuwing maalala ko ang araw na yun, gusto ko nang mamatay. Kung hindi sana ako sumama sa camping na iyon' hindi sana ako malalagay sa gantong sitwasyon. Sana pinigilan ko na lang sila na wag tumuloy. Sana nakinig ako kay ate Zxania. Sana mawala na to, sana dahil kung hindi' baka hindi ko na ma kontrol, makapatay pa ako ng tao.
Pag kauwi namin nung araw na iyon, doon lang namin nalaman kung lahat ba kami ay nasa ganun na bang sitwasyon. Kung lahat ba kami isang Hand Killer.
"Anong gagawin ko? Ayoko ng ganito bro! ayoko." natatakot na sabi ni Rheyven.
"Ibig sabihin si Jeremy at Steven lang ang hindi nakahawak nun." mahinang sambit ko.
"ikaw Cyrus? magkasama kayo nila Carl at Jacob kagabi. Kagabi nyo ba nahawakan yun?" si steven namn ang nag salita.
"Hindi. Nung nag paalam si Zack na Mag C-Cr sumunod kami sa kanya. Hanggang sa hindi kami natuloy na pumasok sa loob dahil biglang nawala si Carl sa likod ko. Sakto namn ng may narinig akong bumagsak sa kabilang kwarto kaya pinuntahan ko. Pag pasok ko sa loob madilim kaya kinapa ko yung switch pero iba yung nahawakan ko. Matigas na matulis at nagulat na lang ako nang biglang lumitaw si Carl sa harap ko at nanguna ng lumabas. Doon nya na sinugod si Jacob."
"Ibig sabihin kayo yung narinig ko sa kabilang kwarto? Pag tapos ko sa Cr, bigla na lang akong nakarinig na parang may bumagsak at nakita ko ang kwarto na yun nakabukas kaya pumasok ako doon pero hindi ko kayo nakita nun. Tama ka! madilim nga kaya nangapa rin ako at bigla na lang akong naka hawak ng kakaibang bagay. Nag iba ang pakiramdam ko at yun na."
"Sinundan ko sila Carl at nakita ko kung saan pumasok si carl at nagulat ako ng may narinig akong bumagsak kaya pumasok ako kung saan nagtungo si carl, pero hindi ko sya nakita doon. Ganun din, Kinapa ko yung switch ng ilaw pero iba rin ang nahawakan ko." nalilitong sabi ni Rheyven.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)