"albert mahal ko, pwede mo na bang ihinto ang tugtog sa labas?" andito parin kami sa may taas at pinagmamasdan ang tahimik na kapaligiran."at bakit namn Lendsei?" napalingon ako sa kanya.
"may kailangan lang akong sabihin sa kanila." Tumayo ito at lumapit sa puwesto ko.
Hindi ko inaasahan na halikan nya ang noo ko. " masusunod mahal ko."
At ilang oras na ang nakaka lipas ngunit hindi parin sya umaakyat ngunit halos wala na akong narinig na ingay sa labas. Masyado na akong nag aalala pero kailangan ko munang sabihin sa kanila ang aking nadarama.
ANNOUNCEMENT! NAGKAROON LANG NG DAMAGE ANG ATING SPEAKER PERO BABALIK DIN AGAD MAMAYA ANG TUGTUGAN. BUT NOW, STAY IN YOUR AREA AND TRY TO COMMUNICATE TO OTHERS WAG NYO HAYAANG MATAPOS ANG GABING ITO NANG WALA MAN LANG NAKAKA HALUBILO NG IBANG TAO.
Pag katapos nun ay bumalik na ako sa aking puwesto at nadatnan ko na nakaupo na si albert sa upuan ko.
"ano bang balak mo?" sabi nya sabay uminom ng alak.
"masyado nang mahaba ang kasiyahan nila hayaan nating haluhan ng kakaiba." Pag katapos nun ay pumunta na ako ulit sa bintana kung saan halos kita ang buong unibersidad.
___*
Hindi ko na alam kung ilang oras na kaming nag lalakad para hanapin si Isabella. Hindi rin namin makita si
stella at ang kutob ko ay baka mag kasama ang dalawa.Nawawalan na ako ng pag asa, pag asa na makakalabas kami dto. Masakit isipin na nalagasan na kami ng isa. Wala na si steven at hindi ako makapaniwala na sa isang iglap, sa isang ganitong sitwasyon ay mamamatay sya. Nag hahalong kaba, takot ang nararamdaman ko ngayon lalo na may naramdaman akong paparating.
"may tao." Tanging sambit ko. Kaya napa hinto namn sila.
"louie,anong gagawin natin?"
"ang lumaban. Kailangan natin lumaban dahil kung hindi-"
"kung hindi ano? Kahit lumaban tayo mamamatay rin tayo. Hindi palagi malakas at unti unti tayong manghihina at doon rin tayo papunta." Sabat namn ni ash.
Napahinto ang pag uusap nila nang bigla na lang sumulpot ang grupo. Grupo ng kababaihan? No, hindi ko kayang pumatay ng babae.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)