Louie's P.O.V
Pipikit, didilat, titingin sa kisame at tutulala. Yan ang palagi kung ginagawa tuwing gabi. Hindi ako makatulog, tuwing pipikit ako nakikita ko sya. Nakikita ko sya kung paano tumatakbo papalapit sa akin Palagi na lang sya nasa isip ko. Ewan ko ba? Ayokong nawawala sya sa paningin ko sa kanya dahil natatakot ako na baka sa isang iglap may mangyari sa kanya.
Natatakot ako na kapag isang araw malaman nya na kung ano ako.
Ilang buwan narin,bawat sa buwan na yun unti-unti ko na namn nararandaman yung sakit ng ulo ko katulad na lang ng dati. Yung sakit na nararamdaman ko kapag... Mahirap para sa akin sabihin to pero ito talaga ang nararamdaman ko ito ang gusto ng kamay at mata ko. Gusto ko na makahawak ulit nang matutulis na bagay, kutsilyo o kahit ano na makakapatay ng kahit ano wag lang tao.
Tuwing mag kikita kami pigil na pigil ang ginagawa ko dahil ayokong makita nya kung anong ginagawa ko kapag susumpungin na namn ako. Kalamado ngunit seryoso. Inaaliw ko ang aking mata na sa sapatos lang tumingin kahit saan man mag punta.
Hindi ko alam kung ganun rin ba sila rheyven at cyrus. Itatanong ko na lang mamaya.Tapos na akong mag ayos upang pumasok. Palabas na sana ako ng aking kwarto nang mapansin ko sa salamin. May hawak akong kutsilyo, puno ng dugo. Inangat ko yun pero ganun na lang ang pag ka gulat ko nang wala man lang bakas ng dugo. Baka nag Ha-halucinate lang ako dahil sa dugo. Hindi ko na yun pinansin at lumabas na nga sa kwarto. Nakita ko si steven na halos malaglag na sa sofa namin. Tuwing pupunta sya dito natutulog muna sya at hinayaan na lang ako kung anong oras bababa.
"Buti namn at bumaba kapa?" nakapikit nyang sabi. Akala ko tulog pa.
"kanina ka pa?" tanong ko sabay kuha ng bag.
"Kakarating ko lang, kaya nga ako nakatulog eh." sinamaan ko namn sya ng tingin
"Sabay muna ako sayo, tinatamad akong mag drive." Hindi na ako sumagot at nag paalam na kaya ate Zxania.
"Uwi agad huh! dala ka ng Pagkain mamaya louie." sabi na nga bang hihirit pa eh. pag kasakay ko sa kotse, hinintay ko namn ka pasok itong baklang to sa Front seat. Nilakasan nya pang isarado ang pinto.
"baka kinulang yung pag sarado mo? Masyadong mahina." sarcastic kong sabi.
"Kulang paba? Saglit, bababa ako ulit." akmang bubuksan ulit nang mag salita ako.
"Bumababa ka para hindi kana makapasok." ayon! hindi na itinuloy.
Tahimik kaming dalawa sa loob, lalo na ang kasama ko ay tulog na namn. Palagi na lang tulog ito! Maraming ginagawa eh, paano ba namn kasi sya lang mag isa. Tapos ang mom at dad nya ay parehong doctor. Sobrang busy nila at lahat na dapat andito sila para kay steven ay wala. Itinutuon nya na lang sa bahay. araw- araw nag lilinis, nag luluto nag lalaba! All around, parang katulong lang. Napalingon namn ako sa kanya at binalik ang tingin sa harap nang mag salita sya.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)