Pangatlong araw.Puno ng katahimikan. Masyadong mapayapa ang araw na ito. Pagkatapos ng ginawa namin kahapon. Mukang pati yung mga organizer at teacher napagod rin.
“mag pahinga muna kayo, before 2:00 pm kailangan nasa field na kayo okay?” tango na lang ang tanging naisagot ko. Andito kasi ako ngayun sa may puno, kung saan ako tumambay kahapon. Sobrang sarap ng hangin dito. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa.
“10:00 am pa namn, mahaba pa.” sabi ko sa sarili ko.
Hawak ko ang libro ko. Gusto ko munang mag basa habang wala pa. nang buklatin ko na ito, ayaw mabuksan.
“haluah! Bakit ayaw..” tanging sambit ko.
Bigla na lang umihip ang hangin at humampas sa aking mukha. Naramdaman ko rin ang pag patak ng butil ng ulan na tumatama sa aking mga balat. Biglang nag dilim ang kalangitan.
“sa iyong pagdating sana’y maibalik ang bagay na kinuha ng iyong ama, ama…” hindi ako pwede mag kamali. Ang tinig na yon, tinig ng isang matandang babae na narinig ko sa aking kwarto nung gabing iyon.
“sino ka? Ano bang kailangan mo sa akin!” pilit kong itinatayo ang sarili ko pero hindi ko maigalaw ito.
“ano! Sumagot ka!!” sigaw ko.
“malalaman mo rin sa itinakdang gabi.” Yun lang ang natanggap ko na sagot at wala na akong narinig na kahit ano. Tumigil na rin ang ulan at malakas na hangin na yumayakap sa aking katawan. Hindi ko inaasahan na sa pagtayo ko, natumba nalang ako bigla at nawalan na ng malay.
Dahan dahan kong ibinuka ang aking mga mata at ang unang nakita ko ay isang puti, masyadong Malabo.
“she’s awake.” Ang boses na yun.
“hey, are you okay? May nararamdaman kaba?” sunod sunod na tanong nya.
“i-im fine na kuya.” Nang maayos na ang paningin ko, nakita ko na sila lahat. At si mam lendsie.
“kailangan nya munang mag pahinga dto. Buti na lang at may mga medicine kit kaming dinala at dalawang nurse.” Sabi ni mam at bumaling ang tingin nya sa akin. “hindi ka muna pwedeng sumali ngayon sa activity, sino ang pwedeng maiwan kahit isa lang sa inyo? para may makasama lang sya dto, hindi lang nurse.” Nag sitinginan silang lahat sa isa’t isa.
“ako namn ang kuya nya kaya ako na lang.” presenta ni kuya. Wala namn akong nakitang umangal kaso may isang nagsalita at lumapit sya sa tabi ko.“hindi pwede, mawawalan ng ka partner si stella. Ako na lang.” sabi ni louie.
“she’s my little sister and forsake! Kaligtasan nya ang inaalala ko! Wala akong paki alam sa kapartner ko!!” sigaw nya nag pa echo sa loob ng gym na ito. Wala na akong masyadong naintindihan sa kanila basta napansin ko na lang na biglang tumakbo si stella papalabas sa court na ito.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)