Masyadong maingay sa lugar na ito. Kung saan sa field nagaganap ang party. Hindi pwedeng malaman nila na nag kakagulo at baka maging katulad namin sila. Mahirap na at bigla na lang kaming dumami lalo na’t hindi pa namin nakikita si Isabella.Tingin dito, tingin doon. Akala ko kanina si Isabella na yung naka upo nakakulay maroon pero nang lumapit ako hindi pala. Nagulat pa ako ng tumayo sya sabay turo sa mukha ko.
“ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito.” Sigaw nya sa mukha ko. Hinubad pa nya yung sandal nya at tumayo ulit sa harap ko.
“I don’t know what your saying… tsk!” aalis na sana ako nang hawakan nya ang kamay ko. May kuryente na lang akong naramdaman at ayoko ng pakiramdam na yun!
“anong gagawin mo? Mag wa-walk out kagaya ng ginawa ng boyfriend ko!” ayoko sana syang i-entertain kaso hindi kasi to titigil.
“wala akong balak kausapin ka, pero hindi ka kasi titigil pag hindi ka pinansin.”
“so sinasabi mo na nag papansin lang ako sayo, Ganun?” Iritang sabi nya. Naupo namn ako sa pwesto niya. Pinagmasdan ko pa sya na masamang nakatingin sa akin.
“ikaw ang nag sabi nyan Hindi ako.” sabay kuha nung baso na may lamang alak. Mabilis lang to promise!
“whatever!” natawa ako sa inasta nya sabay upo nya sa gilid ko.
“by the way, Ira Gonzales nga pala.” Sabay lahad ng kamay nya. Inabot ko namn iyon.
“Rheyven Vasquez.” Nginitian ko namn sya. napansin ko na namula ang pisnge nya. Kinikilig ba sya?
Masyado nang mahaba ang kwentuhan pero ang tumatak sa akin na sinabi nya.
“everyone loves me, everyone trust me pero hanggang doon na lang yun.”
“bakit namn?”
“dahil yung taong nag sabi nun, iniwan lang ako. Back to normal? Hindi na ako ganun, katulad noon.”
“i think were same, maraming nagtitiwala at nag mamahal sa akin kaso iniwan lang din ako. Iniwan lang din nya ako. Napatingin namn ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)