"About You and me." Hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko sa kanya. Taka namn syang napatitig sa akin. Tinabingi-tabingi nya uli yung ulo nya na akala mo palaging may kaaway.
"Baka mag katuluyan kayo nyan kakatitigan."Bulong ni stella na ikinagulat ko. Inalis ko bigla ang tingin sa kanya at nag simula na uli kumain.
"Patay tayo dyan louie!" panunukso nung maputi na sa tingin ko ay si rheyven. Napalingon naman ako sa gawi ni zack at nakita ko kung paano sya ngumiti, wait? Ngumiti! Imposible pero shit! Ang gwapo nya dun!!
Natapos ang lunch namin na puno ng tawanan at tanging kaming dalawa lang ni zack ang tahimik. Parehas kaming nasa hulihan at sabay nag lalakad si stella namn ay kausap nila rheyven at Jeremy. Napansin ko na yung cyrus ay tahimik lang pati si steven na magkatabi sa harapan. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng mag salita ang katabi ko.
"San tayo mag uusap?" mahinahon nyang sabi. Naiilang namn akong tumingin sa kanya, kaya yumuko na lang ako.
"Mamaya sa court." wala na akong natanggao na sagot. Nag paalam namn na sila na papasok na sa sunod na subject. Kami na lang ni stella ang nahiwalay. Nasa third floor kasi ang amin at nasa second lang sila.
"Kayo huh, masyado kayong nagiging close nung zack nayun! Baka ipagpalit mo na ako." Diretso lang akong nag lakad at hindi na sya pinansin.
"Okay! Dedma kana stella. F.O na kayo." Bulong pa nya na ikinatawa ko. Napaka arte talaga.
Pag karating namin sa room, halos mabingin kami sa ingay. Ewan ko ba, parang mga naka wala sa koral' Porket wala kaming teacher ngayon.
Naupos na ako sa dulo sa may malapit sa bintana. Nasa harap ko namn si stella. Akmang isusuot ko na yung earphone nang lumingon sya sa akin at nag salita."Ano nga pala yung i-kukwento mo sa akin?" naalala ko bigla. Yung sinabi ko sa kanya kanina sa comfort room na naudlot.
Lumipat sya ng upuan at tumabi sa akin.
"Stella, maniniwala kaba na lahat nang nakasulat sa libro nangyayari sa kasalukuyan?" binuksan nya ang maliit na electricfan na kulay itim at itinapat yun sa mukha nya.
"about sa libro mo na namn? Jusko! Kailan kaba titigil sa kaka-kwento mo dyan? Kakabasa mo sa horror books na paparanoid kana." Kinuha ko ang bag ko at inilabas ko iyon.
"oh, basahin mo sa simula. About sa kweninto mo sa akin. Yung Pumasok ako sa library ni dad. Tska yung walong magkakaibigan na pumasok sa University na katulad na nangyari sa inyo at yung last ay yung nahimatay ako at andoon yun pangalan ni zack at steven." sabay abot sa kanya. "Hindi ako makapaniwala na yung walong mag kakaibigan na nandyan ay kaparehas ng pangalan na zack kasama yung mga kaibigan nya. Nag tataka lang ako kasi kulang nang tatlo?" Napatingin naman sya sa akin sabay dahan dahang kinuha iyon.
YOU ARE READING
Hand Killer (On Going)
Mystery / ThrillerNo one can stop him to Kill. (Work of Fiction. An Horror.)