Chapter 9

7 0 0
                                    

SOMEONE'S P.O.V


Hindi ko lubusan maisip, Paano nya nakita iyon. Matagal tagal na din nang huling makita ko ito. Dahil itong libro na ito, ito ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. Kung bakit ko pa kasi kunuha ito doon. Kung bakit ba kasi ako napunta sa kwartong iyon.


Ang alam ko tinago ko na ito sa library sa may locker, pero paano nakarating ito sa mga shelves? Hindi ko talaga matandaam kung paano, pero kailangan mawala ito. Kailangan Hindi pwedeng mapunta sa anak ko, kay Isabella dahil ang nakasulat sa likod ng Librong ito.




Kung sino man ang makakahawak ng librong ito, Sisiguraduhim kung magiging miserable ang buhay mo.




Nasisiguro ko na Totoo ang nakasaad sa likod ng librong ito. Dahil kung ako lang ang tatanungin, Nangyari na ito sa buhay ko, Lalo na ng madamay ang kapatid ko, Si Drew Fernandez. Kung hindi ko sana kinuha ito sa madilim na kwarto na iyon, Hindi sana ako matatakot ngayon.




Napansin ko na pumasok si Natalie sa loob ng Bathroom kaya tumayo ako at pumunta sa Cabinet, Kung saan ko sya inilagay kanina. Gulat ako ng wala sya doon sa loob. Hinalukay ko na ang ilalim pero wala parin.



"Hon? Anong hinahanap mo dyan?" Humarap ako sa kanya at nakita kong nakabihis na sya.



"Hon! May kinuha kaba dito? Libro." napailing sya bilang sagot.

"Wala hon, Hindi ko pa nabuksan yan kanina. Bakit? Nawawala ba dyan."



Andito lang iyon eh. Dito ko lang nilagay yun pero bakit nawala. Tinignan ko namn sa ibang Cabinet, sa may Drawer tinignan ko na rin pero wala talaga.


"Baka namn na Misplace mo? Hanapin mo na lang bukas, Matulog na tayo."



Tinigil ko na ang paghahanap. Siguro nga na misplace ko lang yun. Hahanapin ko na lang bukas na bukas.



"Siguro nga. Kumusta si Ash Drew? Tumawag na ba sayo." Lumapit na ako sa kama at tumabi ma sa kanya.



"Hay naku! Wala pang Paramdam yang bata na yan. Tinawagan ko si Grandpa at ang sabi busy daw dahil malapit na ang midterm nya."



"Mabuti namn at nag aaral sya ng mabuti doon. Alam na ba nya na uuwi na sya dto?"

"Alam nya na yun, sinabi na ni Grandma." tumango tango pa sya habang sinasabi nya iyon.



"Pag katapos ng Midterm nya roon sa states, Dito nya na itutuloy ang Pag aaral nya. Wag muna na nating sabihin kay Isabella." Humarap na sya sa akin at sabay pumalakpak.



Hand Killer (On Going)Where stories live. Discover now