Chapter 8

6 0 0
                                    

LALA'S P.O.V




"Dad? may itatanong po sana ako." pababa ako ng hagdan at hawak hawak ko ang librong nakuha ko.


"What is that lala?" tinignan nya ako at mabilis ding ibinalik ang tingin sa Dyaryo na hawak nya.



"Sayo ba ito Dad? nakita ko lang sa Library mo eh," Tumingin ulit sya sa akin at nanlaki ang mata nya. Ngaulat ako ng biglang Tumakbo sya papunta sa akin.



"Bakit mo kinuha ito?" mabilis na hinablot ni Dad yun sa kamay ko.

"Dad, nakita ko lang po. You know namn na Mahilig ako sa Horror books."


"I know pero... dapat hindi muna kinuha."


"Okay dad." yun lang at umakyat na agad ako sa kwarto. Hindi ko maintindihan kung bakit? ano bang meron sa librong iyon' at ayaw ipagamit sa akin ni dad.




"Lala? Alam kung andyan ka." gulat akong napalingon sa naka saradong pintuan. Ano na namn ba ang gagawin nya dto? Dahan dahan kung binuksa at ayun na namn ang maingay na boses nya.





"Ano na namn bang gagawin mo rito?"



"Wow huh! Papasukin mo muna kaya ako." mataray na sabi nya.

"Tsk! Ayoko. Umuwi ka na doon."

"At Bakit? Siguro may itinatago ka dyan. Tabi nga!" Itinulak nya na ako kaya wala na akong nagawa kundi papasukin sya. Nakakainis! Bigla bigla na lang syang pumupunta dto at hindi man lang muna tumatawag. Okay lang sana kung maganda ang gagawin namin dito eh, pero hindi! Mag ku-kwento ng kung ano-ano tapos? Ayun! Tulog na agad. Tahimik daw kasi sa bahay nila at natatakot sya doon dahil tuwing gabi lang umuuwi ang Parent's nya.




"Hm... Mukang wala namn, Problema mo?" Tumalon sya sa kama ko at nag pagulong-gulong. Pinagmasdan ko lang sya at nang mapagod na sya , naupo na rin sa wakas.




"Alam mo yung Librong Nakuha ko sa Library ni Dad?"

"Ahh! oo yung Hand Killer? Bakit, anong meron dun."



Lumapit ako sa Ref at kumuha ng makakain at pag tapos lumapit na ako sa kama at naupo sa tabi nya. So, magkaharap na kami ngayon. Iniabot ko yung C2 sa kanya at Cookies.







"Kasi kanina' Tinanong ko si dad kung kanya ba yun. Tapos nung pinakita ko na sa kanya, Gulat na gulat sya sabay inagaw sa akin. Ang sabi pa nga nya, bakit ko daw pinakealaman."






"Oh, Tapos? Baka namn Importante yun kay Tito."





Binuksan ko yung C2 sabay ininom yun. Habang ninanam-nam ko yun, napaisip ako.



"Hindi e, Mukang may kakaiba dun. You know what, Alam namn ni dad na mahilig ako magbasa ng Mga ganung books, Alam din ni dad na dun ako minsan kumukuha ng Libro. Hindi nga nagagalit si Dad kapag may kinukuha ako dun. Pero Bakit Sa librong iyon, Gulat na Gulat sya?"








"Oo nga noh? Psh! Hayaan muna yun baka Importante talaga sa kanya yun."

"Sigura nga. Wait! May sasabihin pala ako sayo, About Sa Librong iyon."








Tumigil sya sa pagkain ng Cookies at Tumingin sa akin ng seryoso. Lumapit pa sya sa akin, Naduduling pa ako dahil sa sobrang lapit kya tinulak ko sya.






Hand Killer (On Going)Where stories live. Discover now