"Mindy"
Narating ko ang lugar kung saan nakatira si Dyllan ayon sa nakasulat sa resume nito at nag aalangan na akong bumaba ngayon sa aking kotse dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makakabalik ng buhay pag bumaba ako!
Ngunit dahil nandito nalang din ako ay nilakasan ko na ang aking loob at bumaba sa aking sasakyan!
Halos sa akin nakatingin ang mga tao doon na para bang may naligaw na turista sa lugar nila!
Magulo, dikit-dikit na bahay at madaming tao ang nakikita ko bagay na hindi ko nakasanayan!
"Ah ine sino ba ang hinahanap mo? Naliligaw ka ba?" Tanong ng matandang babae!
"Ahh yung bahay po ni Dyllan--
"Ahh ni Dyllan ba kamo? Halika at sasamahan kita doon!" Presinta pa nito na agad ko namang sinundan!
Dumaan kami sa isang makipot na daan at isa lang ang nararamdaman ko ng mga oras na yun!
Takot! Takot na takot ako!
Hanggang sa huminto kami sa isang maliit na bahay na gawa sa kawayan!
"Ester! Ester! May bisita si Dyllan!" Sigaw ng matandang babae! At maya-maya lang ay may lumabas na Ginang mula sa loob!
"Ay wala si Dyllan dito! Sino po sila?" Tanong nito.
"Ahh ako po yung tumawag sa telepono niya kanina--
"Hoh?! Kayo hoh ang amo ng pamangkin ko?!" Hindi makapaniwalang tanong nito! Tumango lang ako bilang tugon! "Ay naku mam! Pasok hoh kayo!" Aya niya sakin sa loob! "Naku mam pasensya na hoh at magulo at maliit ang bahay! Hindi ko hoh inaasahan na dadayo pa hoh kayo dito sa amin!" Dagdag pa nito!
"Gusto ko lang malaman sana kung ayos lang siya at ang kapatid niya?" Tanong ko naman!
"Yun na nga hoh eh! Ipapaampon na hoh si Dannica kaya hoh nag madali siyang mag punta ngayon doon! Masyado niyang mahal ang kapatid niya ang kaso lang hoh ay talagang kapos sa pera kaya hindi niya maiuwe dito ang bata! Mabuti nalang hoh at tinanggap niyo siya sa trabaho sa dami ng pinasukan niya!" Mahabang salaysay nito!
Lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya bagay na bago lang sa aking pakiramdam!
"Mabuti pa ay tawagan ko ang ampunan para nadin malaman ni Dyllan na nandito hoh kayo samin!" Wika pa nito na agad namang kinuha ang telepono at may tinawagan!
Maya-maya lang ay kausap na niya ito at ng matapos ay muli akong hinarap.
"Hinihintay niya yung aampon kay Dannica at pag katapos ay uuwe nadin siya! Hmm maaantay niyo hoh ba siya?" Tanong pa nito sakin.
"Wala naman hoh akong importanteng lakad kaya.. makakapag hintay naman siguro ako!" Sangayon ko!
Habang nag hihintay ay nag kwento pa ng nag kwento ang Auntie niya tungkol sa mag kapatid at nalaman kong ulila na sila sa ama at ang nanay naman nila ay may iba ng pamilya!
Lalo ko tuloy na appreciate ang buhay na mayroon ako!
"Aba may bisita pala tayo?" Isang batang lalaki ang pumasok sa loob.
"Umayos ka Dindo! Amo siya ng kuya mo!" Suway ng Auntie ni Dyllan dito!
"Ahh kayo po pala yung langit at si kuya ang lup--
"Ay naku bata ka! Kung ano-anong kalokohan ang pinag sasabi mo! Mahiya ka nga!" Muling suway nito sa bata.
"Ang sinasabi ko lang naman inay ay tama si kuya Dyllan! Hindi sila pwede ni Mam kasi mayaman si Mam at si kuya ay driver lang ni Ma--
"Dindo!!" Tinig ni Dyllan na kadarating lang!

BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Random"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...