"Mindy"
Nandito kami ni dyllan sa amusement park! Mag kahawak kamay naming nililibot ang lugar! Ang lugar kung saan unang gumaan ang loob ko sa kanya!
Ang lugar na puro kasiyahan ang dulot sa bawat isa! At ang lugar kung saan nabuo ang pag mamahal naming dalawa!Agad naming sinakyan ang paborito naming ride! Ang ferris wheel!
"Mahal na mahal kita boss!!" Sigaw ni Dyllan na ikinagulat ko talaga!
"Mahal na mahal din kita my driver sweet lover!!" Ganting sigaw ko naman ng makabawi ako sa pag kabigla!
Nag katinginan kami at sabay na tumawa!!
"Hahahaha"
Nasa tuktok kami ngayon at tanaw padin namin ang kabuuan ng Laguna!
"Saksi ang lahat ng nakikita natin na ngayong araw ang araw ng pag amin natin sa isat"isa! At magiging saksi din silang lahat sa pang matagalan nating pag iibigan!" Sambit ni Dyllan!
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan yun!
"Mahal na mahal kita boss ko" wika niya.
"Mahal na mahal din kita mahal ko! Sayo ko lang naramdaman ang maging malaya at masaya! Sa inyo ko lang naramdaman ang tunay na pamilya! Sa tuwing kasama kita, pakiramdam ko ay lagi akong ligtas! Kaya siguro nahulog ang loob ko sayo!" Tugon ko!
"Pangako, hindi mo pag sisisihan na minahal mo ang tulad ko! Ikaw na nga ang may sabi, basta driver! Sweet lover!" Nakangiti pang sambit niya!
Ginugol namin ang buong mag hapon sa pamamasyal! At buong hapon na yun ang pinaka masayang sandali ng aking buhay!
Kaya pala wala ng epekto ang presensya ni Steven sakin yun pala ay may nararamdaman na ako sa kanya!
"Sana ay hindi na ako magising kung panaginip lang ito" wika niya! Nandito kami sa loob ng kotse at nakahinto sa isang parke kung saan kitang'kita namin ang ilang taong namamasyal doon.
"Kahit magising ka man ay wala pading mag babago, mahal padin kita mahal ko!" Tugon ko!
Kinabig niya ako at hinagkan at buong puso ko naman iyong tinugon!
Hanggang sa maramdaman ko nalang na unti-unti ay lumalalim na ang namamagitan sa aming dalawa!
At ng sandaling yun ay walang pag alinlangan kong binigay ang buong ako sa kanya!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Sonstiges"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...