"DYllan"
"Pakiusap po sister fely, wag niyo munang ipaampon si Dannica! Humihingi po ako ng palugit! Kukunin ko na po siya" pag mamakaawa ko padin kay sister fely!
"Pasensya na iho pero mamaya ay darating na ang aampon sa kanya! Wag kang mag alala at mabubuting tao naman sila! Isa pa, maibibigay nila ang pangangaylangan ni Danica" paliwanag ni sister Fely.
Wala na akong nagawa kundi sumangayon ng biglang..
Ringgggg!!
Tumunog ang telepono at sinagot naman agad ito ni sister Fely!
"Para sayo ang tawag" abot ni sister ng telepono sa akin na agad ko namang kinuha!
[ hello Dyllan Auntie mo ito! Yung amo ay nandito sa bahay! Hinahanap ka ]
Tinig ni Auntie sa kabilang linya.
[ hoh?! Pero paanong-
[ hay naku wag ka ng madaming tanong na umuwi kana dito! Nga pala, anong nangyare diyan sa ampunan? ]
usisa pa ni auntie kaya naman dinetalye ko sa kanya lahat-lahat!
[ ganoon ba? Eh paano na yan?! Ikaw naman kasi noon ko pa sinasabi na iuwe mo na dito si Dannica eh inuna mo pa yang hiya-hiya mo! ]
Sermon pa sakin ni Auntie!
[ wala na po akong magagawa Auntie! Darating na mamaya yung aampon sa kanya kaya kung pwede ay kayo na muna umasikaso sa amo ko! ]
Bilin ko naman hanggang sa tinapos na namin ang pag uusap at muling bumaling kay sister fely!
"Kung gusto mo ay hintayin mo ang aampon kay Dannica tutal alam naman nila na may kuya pa si Dannica!" Suhestyon pa nito na agad ko namang sinang-ayunan!
ilang sandali pa ay kaharap ko na ang mga aampon sa kapatid ko.
"Ikaw ba ang kapatid ni Dannica?" Tanong ng Ginang.
"Ako nga hoh!" Tugon ko!
"Huwag kang mag-alala iho, nasa mabuting kamay ang kapatid mo! Aalagaan namin siya at ibibigay ang mga pangangaylangan niya" nakangiti pang dagdag nito.
"May.....may ipapakiusap lang hoh sana ako at alam akong masyadong kalabisan ito pero parang awa niyo na hoh! Hayaan niyong malaman ko kung saan kayo nakatira at kung pwede ay madalaw ko siya sa inyo!" Pag susumamo ko!
Nag katinginan silang mag-asawa at muling bumaling sakin!
"Walang problema iho!" Tugon ng Ginang na ikinatuwa ko!
"Salamat hoh! Salama--
"Kuya!!'' Biglang pasok sa loob ni Dannica at yakap sa akin! "Pangako mo na dadalawin mo ako doon!" Umiiyak na sambit nito! Hindi ko nadin napigilan na maiyak!
''Pangako kapatid ko! Pangako"

BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Diversos"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...