chapter 26

496 10 0
                                        

"Dyllan"



Agad na akong nag impake ng kaunting gamit para manatili nasa mansyon kasama si mam Mindy matapos naming mag paalaman ni Auntie at Dindo!











"Ahh mam diretso mansyon na hoh ba tayo o sa opisina?" Tanong ko kay boss habang bumabyahe na kami pabalik!












"Dumaan muna tayo sa cemetery! I want to visit mommy" tugon nito kaya agad ko naman iyong sinunod!











Tinahak namin ang daan papunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mommy niya! Bago kami pumasok sa loob ay bumili muna kami ng bulaklak at kandila para ialay dito.













"Tita?'' Tawag ni boss sa babaing nakatayo mismo sa lapida ng mommy niya!














"Mi-mindy?" Gulat na sambit ng Ginang! "Di-dinalaw ko lang ang mommy mo! Matagal-tagal ko nadin kasi siyang hindi napupuntahan!" Dagdag pa nito!













Lumapit na kami dito at inalay ang dala naming bulaklak at sinindihan nadin ang kandila!















"Siya ba ang boyfriend mo iha?" Muling tanong ng Ginang na ikinagulat ko!












"Hi-hindi po tita..driver ko po siya!" Sagot ni boss.










"Ahh, his good looking huh! Anyway, I have to go now! Nice meeting you again! Ahmm ikamusta mo nadin ako sa daddy mo" paalam pa nito!













At naiwan na nga kaming dalawa ni boss. Nakaupo kami sa damuhan habang nilalaro nito ang mga damo doon.











"Ngayon ko nalang ulit nakita si tita! Nakakapag-taka lang kasi na wala siya nung burol ni mommy at ngayon ay madadatnan ko siya na dumadalaw dito!" Panimula niya ng usapan.













"Baka naman nag kasakit lang o siya o kaya--










"Their bestfriends! My mom and Steven mom are bestfriends kaya wala akong nakikitang dahilan para hindi man lang siya makapunta ni sa libing ni mommy!" Putol niya pa sa sasabihin ko! "Minsan naiisip ko tuloy na may problema" dagdag niya pa!












"Problema? Anong problema?" Usisa ko pa!













"Na may nangyare sa kay tita at mommy! Maybe nag away sila or something!" Tugon niya.












"Pero diba nga bestfriend sila?" Naguguluhang tanong ko pa!










"Remember, your bestfriend is your worst enemy" sagot niya!













"Sabagay" maikling tugon ko nalang!












Nag tagal pa kami doon ng biglang umulan!













"Naku mam mababasa po kayo!" Sabay lagay ko ng jacket sa ulo niya para siya takpan!















Napatingin siya sakin na para bang may mali sa ginawa ko!












"Ahh..ba-baka po kasi mag kasakit kayo!" Nahihiyang sambit ko pa dahil naiilang ako sa paraan ng pag titig niya!
















"Ayos lang...gusto kong maranasan ang maligo sa ulan" seryosong tugon niya!













Kaya naman pinag-bigyan ko siya sa hiling niya!













Mag kasama naming inenjoy ang buhos ng ulan!














Masaya ako na nakikita kong masaya si boss na parang bata na nag tatampisaw sa ulanan!


















"Kapag kasama kita, parang lahat ay bago sa aking pakiramdam! Tulad nito! Ikaw na naman ang kasama ko sa unang pag kakataon na maligo ako sa ulan!" Sambit niya sa akin.















"At masaya po ako na napapasaya ko kayo at nakikita ko na masaya kayo!" Tugon ko.

^my Lady Boss^Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon