"DYLLAN"
"Unexpectedly" tanging sagot ni boss at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob! Naiwan kaming dalawa ng katiwala niya.
"Masanay kana sa batang iyon, maniwala ka man at sa hindi, mabait si Mindy! Kaylangan lang niyang maging matatag at matapang dahil sa kanya naka atang ang resposibilidad ng negosyo ng pamilya" biglang sambit ng katiwala.
"So Mindy po pala ang pangalan ng boss ko! Ngayon ko lang hoh kasi nalaman!" Natatawang tugon ko.
"Dahil tulad ng sabi niya, Unexpectedly...bweno! Maiwan na muna kita diyan at ako ay may aasikasuhin lang! Nga pala, ako si Manang Belen at ikaw naman?" Tanong niya pa.
"Dyllan po manang" pakilala ko! Bahagya lang siyang tumango at nag lakad na papalayo.
Naiwan akong namamangha padin sa aking nakikita! Nag lakad-lakad muna ako hanggang sa may isang aso na bigla nalang tumalon sa akin at dinilaan ako sa mukha!
"Hahahaha nakikiliti ako" hagikgik ko! Ngunit panay padin ang pag dila niyA sakin dahilan para yapusin ko siya hanggang sa mapadako ang aking mga mata sa taas at doon nag tama ang mga mata namin ni boss.
Nakatayo siya sa tapat ng kanyang bintana habang nakatanaw sa kinaroroonan namin ng asong yapos-yapos ko!
Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mukha!
At walang ano-ano ay nag sara siya ng bintana ganon nadin ng kurtina.
"Chichi! Naku chichi nandiyan ka lang pa---hi!" Biglang bati sakin ng halos kaedad ko lang na babae at base sa suot niya ay isa din siyang katiwala dito.
"Hi!" Ganting bati ko naman!
"Ikaw ba yung tunutukoy ni tanda? I mean ni manang Belen?" Tanong nito.
"Ahh oo! Personal driver ni bo--ni mam Mindy! Ako si Dyllan" pakilala ko!
"Ako naman si Gwyneth!" Sabay abot ng kanyang kamay na agad ko naman tinugon! Bahagya pa niyang pinisil yon kung kayat agad ko din iyong binawi! "Mukhang matatagalan ka sa pag aantay! Mabuti pa ay pumasok ka muna sa loob at kumain" aya naman niya sakin.
"Ahh oo!" At sumunod na ako papasok sa loob ng mansyon.
Kung kanina ay hangang-hanga ako sa aking nakikita, ngayon naman ay halos malaglag ang aking panga at lumuwa ang aking mga mata sa gara ng loob ng mansyon! Hindi mapag kakailang de kalibre ang pamilyang napag-trabahuhan ko.
'At sino ka naman?" isang baritonong tinig na nag-pauntag sa akin.
Isang lalaking halos hindi nalalayo sa edad ni manang Belen ang nakatayo di kalayuan sa kinaroroonan ko at base sa suot niya ay masasabing hindi siya katiwala dito kundi amo.
"Ahhh ma-magandang hapon po sir! Ako po si---
"His my personal driver"
Pamilyar na tinig na nag paalis ng kaba ko.

BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Random"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...