ALMIRA'S POV...
Nagising ako ng 5:00 am at mukhang masarap ang tulog ni Kendra at Erza.
'Ma! kailangan ko pa po ba talagang pumasok doon? Mas gusto ko dito!'
Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ni Erza? hindi kaya may itinatago sya sa amin?
Gusto ko pa sanang matulog kaso iniisip ko na baka ma-late ako sa First day. Naisipan ko na lang na magluto ng Breakfast. Nagsaing muna ako tsaka ako nagprito ng Itlog at Hotdog para sa ulam.
Pagtapos kong lutuin ang ulam ay kasabay ang pagkaluto ng kanin.
Pinuntahan ko yung dalawa kung gising at as ussual, tulog parin sila. Maliligo na muna ako para pagtapos ay kakain na kami,siguro naman gising na sila pagkatapos kong maligo.
Pagkatapos kong maligo, agad akong lumabas at naabutan kong susubo na ng Hotdog si Kendra kaya tinitigan ko sya.
"Bakit hindi ako makagalaw!?"- sigaw nya na syang naging dahilan ng pagkagising ni Erza.
" Bakit di ka magalaw!?"- pag-aalala ni Erza.
"Nandyan ba si Almira?"- tanong ni Kendra kay Erza.
" Oo! nasa likod mo, nakatitig sayo!"- sagot ni Erza.
"Almira! tanggalin mo nga yung tingin mo sa akin!"- wika ni Kendra kaya tinanggal ko rin agad.
" Bakit mo pinatanggal yung tingin nya sayo!"- pagtataka ni Erza.
"Dahil ang Sixth Sense nya ay Freeze the movements ng tao o ng isang bagay kapag tinitigan nya at hindi iyon makakagalaw hangga't nakatitig sya doon!"- sagot ni Kendra.
"Kaya pala hindi ka makagalaw kanina!"- wika ni Erza at tumango lang si Kendra.
Tumayo na si Erza mula sa pagkaka-upo at tinungo nya ang kusina para maghilamos.
Naupo na ako sa upuan para kumain pero hininihintay pa namin ni Kendra si Erza bago magsimula kumain.
Maya-maya rin ay lumabas na si Erza. Uupo na sana sya ng bigla syang tumigil at parang may something na naalala.
" Si Sakura pala tsaka si Miyaka!"- wika nya at agad na lumabas para puntahn yung dalawa. Nakalimutan ko na yung dalawang yun. Ngayon may alam na ako sa ugali ni Erza. Maalalahanin, Mapag-observe, Mausisa at malihim.
Nakatitiyak ako na meron syang hindi sinasabi sa amin. Bukod sa Sixth Sense nya, wala na akong ibang alam tungkol sa kanya.
Maya-maya ay dumating na si Erza kasama yung dalawang babae. Nagsimula na kaming kumain ng breakfast.
Sino kaya ang teacher namin ngayon sa History.
$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$$
############################ERZA'S POV...
Papunta na kami ngayon sa First class namin at sabi ni Kendra, ang first subject namin ay History. Excited na nga sya na makikila ang new History senpai nila...namin.
Huminto kami sa harap ng isang pinto na agad binuksan ni Miyaka at nakita ko yung mga boys na naka-upo na sa kanilang mga upuan.
Nakatayo naman sa gitna ang isang babae. mid 30's na sya pero dihalata sa mukha nya.
"Ok! Atama, i'm ms. Kiera and i'm your new Senpai in History!"- sabi nya at mukhang matatas sa english to. " I know, most are know about Erityian History but it need of transferee, i'm right Erza!"- sabi nya at tumango na lang ako.
YOU ARE READING
TANTEI HIGH (War of Erityians) FanFiction
FanfictionThis is like a tantei high of Purpley Han or easy to say, my own continuation.